Pagpupugay kay Ka Cleo Del Mundo, bagong tagapagsalita ng BHB-TK! Kabataan, Ipamalas ang galing sa rebolusyonaryong landas!
Isang taas kamaong pagpupugay ang ipinapaabot ng Kabataang Makabayan-Timog Katagalugan kay Ka Cleo del Mundo, bagong itinalagang tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan Southern Tagalog (Melito Glor Command).
Kilala si Ka Cleo del Mundo bilang isang babaeng kumander at dating tagapagsalita ng BHB Quezon, na mahigit isang dekadang nagsilbing boses ng hukbong bayan at rebolusyonaryong mamamayan ng lalawigan. Bilang tagapagsalita ng hukbong bayan, maagap at matalas siyang tumutugon sa mga isyung panlipunan, laban sa mga agresyong militar, at pagpapahirap ng rehimeng Aquino II, Duterte, at kasalukuyang Marcos II. Proud at inspirado ang mga Kabataan ng Timog Katagalugan kay Ka Cleo, lalo pa’t nagsimula siya bilang kasapi at ng lider ng Kabataang Makabayan-Quezon, kung saan ipinamalas niya ang husay sa organisasyon at propaganda, lalo na sa pagpapataas ng kamalayan at pakikibaka ng mga kabataan sa probinsiya.
Ang pagkakatalaga sa kanya ay paalala ng hamon na kinakaharap ng mga kabataan sa buong rehiyon at buong bansa. Sa gitna ng lumalalang kahirapan, kawalang-katarungan, at pang-aapi, nanawagan si Ka Cleo sa mga kabataan na makibaka, lumahok sa armadong rebolusyon at buwagin ang bulok na sistemang panlipunan para makamit ang tunay na kalayaan, demokrasya, at makatarungang kapayapaan. Ito ay simbolo ng mahalagang papel ng mga kabataang Pilipino sa digmang bayan, at paalalang patuloy na umuusbong mula sa aming hanay ang mga rebolusyonaryong lider sa pamamagitan ng pakikipamuhay at pakikibaka kasama ang masang anakpawis.
Ang kabataan ang bagong salinlahi na magmamana ng rebolusyonaryong pakikibaka sa kalunsuran at kanayunan. Panahon na upang gamitin ang talas ng aming pag-iisip at sigla sa pagkilos upang bigwasan ang pahirap at papet na naghaharing-uri sa bansa. Mahigpit ang panawagan sa mga kabataan na isabuhay ang rebolusyonaryong diwa ni Ka Cleo! Kabataan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay!