Pahayag ng Armas-Ka Soral Malaya sa Buwan ng mga Magsasaka
Katawan ang itinamin, dugo’t pawis ang dinilig
sa lupa na nilinang ng mga naunang buhay.

Lahat ng maaring isugal, itinaya na ng magsasaka, ngunit dahil sa mga pesteng umaaligid mumo lang ang kanilang natatamo. Sa tambalan ng mga pesteng Marcos Jr. at imperyalismong US, walang saganang dumadapo sa mga palad ng masang anakpawis.
Palubha lamang ang kalagayan ng mga magsasaka at mamamayan sa pananalagi ni Marcos Jr. sa gobyerno. Gaano man ipostura ni Marcos Jr. ang sarili bilang “makamasa” at “makamagsasaka,” hindi nito maitatago ang nakakagimbal na ngiwi ng kaniyang pamahalaan. Kaniyang pupunahin ang iresponsableng pagmimina, ngunit siya rin ang nagpapalawak nito sa bansa. Ipinatupad niya ang EO100 para magka-”floor price” ang presyo ng palay ngunit pinapanatili niya ang Rice Liberalization Law na nagaalis sa kakayahan ng gobyerno na bumili ng sapat na palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Dagdag pa, patuloy ang pagtaas ng importasyon ng bigas. Sa pananatili ng proyektong SPLIT ng World Bank, kabalikat ng rehimen ang iba’t ibang imperyalistang bayan, pangunahin ang US, sa pagkakait ng lupa sa mga magsasaka. Gamit naman ang mga pasistang aparato, tumitindi ang militarisasyon sa kanayunan at pandarahas sa mga magsasaka upang panatilihin ang pyudal na pagsasamantala ng estado. Lantad naman sa kronikong korapsyon ang pagpapalubha ng kalagayan ng bayan sa pananaig ng Burukrata Kapitalismo.
Ang pondo na sana’y ginagamit sa mga proyekto na makapagpapaalwan sa kabuhayan ng magsasaka, ang siyang ginagamit para gawing tubo ng mga burukrata kapitalista ang binubuwis sa dugo’t pawis ng mamamayan. Walang makubuluhang tugon si Marcos Jr. sa lumalalang krisis sa agrikultura. Walang maaasahan ang masa sa isang tuta, korap, at pasistang pangulo!
Sa landas ng Pambansa Demokratikong Rebolusyon na may Sosyalistang perspektiba lamang tuluyang mawawakasan ang pagsasamantala sa mga magsasaka. Sa pagpapabagsak ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo matutuldukan ang sistematikong kagutuman at malalagot ang tanikalang gumagapos sa magsasaka sa kahirapang dulot ng monopolyo sa lupa. Pinagpupugayan ng ARMAS-Ka Soral Malaya ang mamayang lumalaban at ang mga rebolusyonaryong hukbo na taimtim na tinatanganan ang ating linyang masa sa pagpapatupad ng rebolusyong agraryo.
Panawagan sa mga artista ng bayan: isulong agraryong rebolusyon! Tumungo sa kanayunan, tumangan ng armas at isulong ang armadong pakikibaka sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Linangin ang lupa at ang iyong sining sa piling ng masang api. Sa pagpapabagsak ng Imperyalismo, Burukrata-Kapitalismo, at Pyudalismo lubos nating matataguyod ang isang Pambansa, Siyentipiko at Makamasang Kultura. Palakasin ang hukbo ng mamamayan at itaguyod ang tunay na demokratikong gobyernong bayan!
Durugin ang pesteng rehimeng US-Marcos Jr!
Sulong rebolusyong agraryo, sumapi sa New People’s Army!