Pahayag sa ika-53 na taon ng Deklarasyon ng Martial Law ni Ferdinand Marcos Sr Panagutin ang rehimeng US-Marcos! Paagusin ang daluyong ng pagpapasampa!
Download: PDF
Hanay
ni Soral Malaya (mula sa Ulos March, 2014)
waring ‘sang pamilyang matikas
yaong mga nakahanay
ah! mga bagong rekluta pala nitong
ating hukbong bayan!
at, bagamat sa simula’y nangangalay
ano pa’t makalipas lang ang ilang araw,
sila na’y masasanay
di lang sa paghanay, kundi pati na rin
sa arawang pag-iral,
may pag-alam at paggamay
kaya naman, sa susunod pang mga paghanay
turingan nila’y higit na sa magkakapatid,
bunso man yan o panganay
may makauring pagtuturingan,
pagtuwang at pagdamay.

Makalipas ang 53 na taon mula nang ideklara ang Martial Law ni Ferdinand Marcos Sr., mabagsik pa rin ang bagyo ng burukrata-kapitalismo sa ilalim ng rehimen ng kaniyang anak na si Bongbong Marcos. Lantad na lantad ang katiwalian at korapsyon ng rehimeng US-Marcos. Talamak na pagnanakaw ng pinag-isang estado at pribadong korporasyon, nagsasalarawan sa isang ugat ng kahirapan: ang burukrata-kapitalismo. Bagamat may pagtatangka ang mga reaksyonaryo na itabing ang kabulukan ng sistemang malakolonyal at malapyudal bilang away lamang ng mga magkakaribal na paksyon hindi lingid sa unawa ng mamamayan na walang pinag-iba ang mga panig ng naghaharing-uri.
Lugmok sa krisis ang mamamayang Pilipino sa paghahari ng rehimeng US-Marcos. Liban sa anomalya ng “flood control projects,” linulunod ng estado ang mamamayan sa patuloy nitong pangungutang sa mga dayuhan. Bagamat lagpas kalahati ng utang ay dineklarang “domestic, ” hugkang ang utang sa lokal na mga negosyo kung dayuhan din ang namumuhunan nito. Umakyat sa lagpas 17-trilyong piso ang utang na ito ngayong taon. Taas-noo pa rin dineklara ng estado na ito ay “manageable” kahit hirap na hirap na ang mamamayan bumalikat ng bayaring ito. Ang mga pautang na ito ay hindi lamang nagbibigay daan sa baha kundi sa walang yamot na pagpapayaman ng rehimen at mga alipores nito. Nitong Setyembre 2025, inaprubahan ang 27.3-bilyong piso na pondo ng Presidente para sa 2026 na hindi dumaan sa deliberasyon. Isang maniobrang pinamana ng mandarambong na ama sa mandarambong na anak.
Ang pondong dapat gamitin para sa kaunlaran ay nilulustay gamit ang mga peke at depektibong mga proyekto. Buong suporta ang binbigay ng US at iba pang imperyalistang estado sa pagpapalaki pa lalo ng mga bulsa ng naghaharing-uri upang masiguradong patuloy ang pandarambong ng ating lupa, lakas-paggawa at likas na yaman. Patuloy ang pagpasok ng estado sa mga kasunduang maka-dayuhan. Ngayong 2025 ay sinimulang pahintulutan ang pag-upa sa lupa ng mga dayuhan hanggang sa 99 na taon. Dahil naman sa paglipana ng mga EDCA Sites at iba pang pasilidad militar ng Estados Unidos nagmistulang isang malaking base militar ng US ang Pilipinas. Gamit ang patong-patong na utang ng gobyerno at kasunduan para sa mga armas at iba pang gamit-pandigma, ginagamit ng estado ang kaniyang lakas militar upang dahasin ang mamamayang lumalaban at bigyang daan ang pandarambong ng mga malalaking dayuhang korporasyon. Samu’t saring pamamaslang, pandurukot, at pag-atake sa mga komunidad na ang naitala sa ilalim ni Bongbong Marcos. Nitong Hunyo 2025, nakapagtala na ng 129 extra judicial killings, 15 na katao ang sapilitang winala, 288 na kaso ng ilegal na pag-aresto, at ilan pang libo-libong kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimen. Sa programa ng estado at pananaig ng mga entidad katulad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) binabandera ng estado ang mga tagapagtaguyod ng mga karapatan bilang mga kaaway. Kahit anong paghuhugas ng mga dilawang paksyon, magkatulad lang si Marcos Jr. sa kanyang ama: tuta, diktador at pasista. Ito ang kumpas ng imperyalismo sa estado upang patuloy na maghari-harian ang rehimen. Sa gitna ng pandarambong at pandarahas ng estado, wasto lang ang panawagan ng mamamayan na maging makabayan.
Sa gayon, tungkulin ng bawat kasapi ng Armas na ipaintindi sa galit na mamamayan ang Demokratikong Rebolusyong Bayan; na makakamtan lamang ang kalayaan sa pagpapabagsak ng Imperyalismo, Pyudalismo at Burukrata Kapitalismo. Makakamit lang ito sa tagumpay ng proletaryado sa isang madugong digmaan. Gamit ang pagiging malikhain, ang mga artista ng bayan ay dapat maging tanglaw ng pag-asa. Kailangang patalasin ang mga lapis at pasiklabin ang bawat salita; tumungo sa mga pabrika, tumungo sa mga sakahan at pag-alabin ang pangkulturang rebolsuyon ng digmang bayan. Paliwanagin ang proletaryadong kamulatan, gamiting gabay ang teoryang Marxismo-Leninismo-Maoismo upang maunawaan nang husto ang kongkretong kalagayan ng masang api. Palawakin ang kasapian ng Armas at mula rito ibukas ang pagkakataon ng direktang pag-aambag sa rebolusyon. Payabungin ang bawat makabayang alipato ng paglaban at ihapag ang daluyan ng armadong pag-aambag. Paagusin ang daluyong ng pagpapasampa sa Bagong Hukbong Bayan upang panagutin ang rehimeng US-Marcos, mawakasan ang pananaig ng Imperyalismo, Pyudalismo at Burukrata-Kapitalismo at makamtan ng bayan ang tunay na kalayaan!