Pahayag

Parangal kay Ka Amek, inilunsad ng RJPC-NPA

Naglunsad ng 21-gun salute ang mga Pulang mandirigma ng Roselyn Jean Pelle Command-New People’s Army-Northern Negros nitong Pebrero 12, 2026. Nagkaroon din ng maikling programa para ibahagi ang naging buhay, pakikibaka, at naiambag ni Reynaldo “Ka Amek” Erecre sa rehiyon ng Negros.

Kalakhan sa mga lumahok sa binigay na parangal kay Ka Amek ay mula sa hanay ng mga kabataan at manggagawang bukid na mga bagong sampa sa yunit. Tulad nila, panahon ng kabataan ni Ka Amek noong una siyang makapasok sa kampo ng BHB. Nauna nang namulat sa sariling karanasan sa kahirapan bilang manggagawa sa pagawaan ng plywood habang nag-aaral sa kolehiyo, nahanap niya ang kaniyang lugar sa rebolusyon upang magsilbi sa masa at itaguyod ang demokratikong rebolusyong bayan.

Siya ay bantugang kasapi at lider ng Partido na isa sa nanguna sa muling pagbubuo at pagkonsolida ng BHB sa Bohol at Negros. Nakatatak sa puso at isip ng mga kadre at pulang mandrigma ng rehiyon ang binigay na gabay ni Ka Amek lalo na sa panahon ng pagwawasto sa rehiyon. Siya ay ehemplo ng masugid na pagpuna at pagpuna sa sariliat paglapat ng teorya ng Marxismo-Leninismo- Maoismo ( MLM) sa ating digmang bayan.

Buo ang kapasyahan ng RJPC-NPA na magsanay ng mga bagong kumander at paramihin pa ang susunod na henerasyon ng mga rebolusyonaryo na magpapatuloy sa nasimulan ni Ka Amek at dalhin pa ito sa mas abanteng yugto.

Parangal kay Ka Amek, inilunsad ng RJPC-NPA