Pekeng Engkwentro sa Busac, Ligao City, Albay

Mahigpit na kinukundena ng Santos Binamera Command Bagong Hukbong Bayan – Albay (SBC BHB – Albay) ang ginawang pagpaslang ng mga pinaghihinalaang elemento ng AFP sa isang sibilyan na si Zaldy Cañaveral, humigit kumulang 40 anyos, magsasaka, binata at residente ng Brgy Busac, Ligao City, Albay noong Mayo 24, 2023.

Humigit kumulang alas 10 ng umaga, ang biktima ay nasa kanyang maisan nang maglunsad ng “pekeng engkwentro” ang mga sundalo malapit sa pinangyarihan. Pagkatapos ng “pekeng engkwentro”, nakita ang bangkay ni Cañaveral sa lugar, may isang tama ng baril sa ulo at dalawa naman sa katawan, sinuotan ng uniporme ng sundalo at nilagyan ng isang M16 upang palabasing ito’y lehitimong engkwentro at sila’y nakapatay ng NPA.

Walang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa lugar nang maganap ang kanilang “palabas”. Humihingi ng hustisya ang mga magulang ng biktima.

Sa mga kagawad ng midya, malapad ang inyong rekurso upang magpalalim at alamin ang katotohanan kaugnay sa pangyayaring ito. Maging mapagtuklas sa katotohanan ng inyong mga balita at hindi dapat umaayon lamang sa iskrip ng inyong mga station manager o ng sinuman na mas mataas sa inyo. Maglingkod sa bayan.

Pekeng Engkwentro sa Busac, Ligao City, Albay