Pahayag

Pinagtatakpan ni Gen. Danao na armadong kombatant ang pulis na napatay sa N. Samar

Nililinlang ni Gen. Vicente Danao ang sambayanang Pilipino nang huwad at madrama niyang inilarawan ang pulis na napatay sa pakikipagsagupa noong Sabado sa New People’s Army sa Northern Samar na para bang social worker na nagdadala ng ayuda at tulong medikal.

Taliwas ang paglalarawan ni Gen. Danao sa mismong ulat ng Philippine National Police (PNP) na nagsabing ang napatay na patrolman na myembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB), isang yunit pangkombat na ginagamit ng PNP sa counterinsurgency.

Ang mga pwersa ng RMFB ay armado at sinanay na magsagawa ng mga search operations at sagupain ang mga gerilyang mandirigma ng NPA. Kasama ang iba pang mga yunit ng military at police, ang mga pwersa ng PNP-RMFB ay bantog ng mga abusero ng karapatang-tao laban sa masang magsasaka ng Samar, kabilang ang mga iligal na pag-aresto, walang habas na pamamaril, pagnanakaw ng mga tanim at prutas, manok at iba pang hayop.

Mahigpit na pinanghahawakan ng NPA ang mga prinsipyo ng internasyunal na makataong batas na nagbibigay ng pinakamataas na pagpapahalaga sa pangangalaga sa mga sibilyan sa lahat ng oras.

Pinagtatakpan ni Gen. Danao na armadong kombatant ang pulis na napatay sa N. Samar