PKM-Bicol sa pahayag ni Sen. Tito Sotto na walang dapat magreklamo dahil nasa gitna ng gera ang bansa
![]( https://philippinerevolution.nu/wp-content/uploads/2021/03/20210328_pkm_sapahayagnisen.titosottonawalangdapatmagreklamodahilnasagitnanggeraangbansa.jpg )
Napakadali para kay Sotto na magbulalas ng gayong mga retorika dahil hindi niya pa naranasang mamilipit sa gutom gaya ng milyun-milyong Pilipino sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunang ito. Ang gerang kinakaharap ng bansa ngayon laban sa Covid-19 ay kakambal ng gera ng mamamayan laban sa kagutuman – parehong mga sintomas at bunga ng malubhang pagkabansot ng ekonomya ng bansa at kawalan ng kakayahan nitong tumindig sa sarili nitong mga paa matapos ng daan-daang taong pagpapaalipin sa mga dayuhan. Iisa lang ang dapat gawin: Magkaisa, lumaban at wasakin ang bulok na sistemang nagpapahintulot kina Sotto, Duterte at iba pang burukrata kapitalistang magpakabundat habang nagugutom ang milyun-milyong Pilipino! Puspusang isulong at ipagtagumpay ang digmang bayan!