Pahayag

(Video) Oplan Pinta ng KM-Datako at Armas sa Baguio City

Bilang paggunita sa ika-61 na ng Kabataang Makabayan, nagsagawa ng Oplan Pinta ang mga myembro ng KM-DATAKO at ARMAS sa mga pader ng iba’t ibang lugar ng Baguio. Bitbit nito ang mga panawagang ang tanging pagpapanagot sa mga pasistang korap ay ang pagsulong ng digmang bayan at paghamon sa taumbayan na lumahok sa Bagong Hukbong Bayan.

Download

Ilang buwan na ang nakalipas at wala paring napapanagot na pasistang korap ng estado. Sa paghihirap na dulot ng mga katiwalian, nananatili parin ang bulok na mga serbisyong pambuliko, patuloy na pagsasagawa ng mga palpak na flood control projects, at barat na mababang pagpapasahod.

Mula sa dagsa-dagsang kilos protesta sa buong bansa, malinaw na sawa na ang taumbayan na hindi nila natatamasa ng may katarungan ang kanilang pinaghirapang sahod. Sa halip na tugunan ng estado ang mga bitbit na panawagan at managot sa kasalanang pagnanakaw sa mamamayan, pamamasista ang sagot.

Lubos na hinog na ang kondisyon para isulong ang pambasa demokratikong rebolusyon. Kaya ginigiit ng KM-DATAKO at ARMAS na tanging sa pagrerebolusyon lamang matutugunan ang krisis ng korapsyon. Mangahas na makibaka bitbit ang diwa ni Andres Bonifacio at gamit ang mga teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo upang ibagsak ang imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata-kapitalismo hanggang makamit ang tagumpay.

(Video) Oplan Pinta ng KM-Datako at Armas sa Baguio City