Ginugunita ang National Press Freedom Day tuwing ika-30 ng Agosto kasabay ng pag alala sa kaarawan ng kinikilalang Ama ng Pamamahayag sa Pilipinas na si Marcelo Del Pilar o kilala rin bilang si “Plaridel.” Ngunit para sa maraming mamamahayag sa Pilipinas, ang araw na ito ay nagsisilbing paalala sa mas lumalalang kalagayan ng malayang pamamahayag […]
Anim na insidente kada buwan o kabuuang 135 insidente ang naitalang bilang ng pag-aatake sa midya sa ilalim ng rehimeng Marcos mula Hulyo 2022 hanggang Abril 2024. Ayon ito sa ulat ng mga grupo ng mamamahayag na inilabas kasabay ng paggunita sa taunang World Press Freedom Day kada Mayo 3. Ayon sa National Union of […]
Nagtipun-tipon kahapon sa Quezon City ang mga eksperto sa komunikasyong digital, tagapagtaguyod ng karapatang-tao, at iba pang grupo para ilunsad ang isang network na magkakampanya para ipabasura ang SIM Card Registration. Ipinasa ang batas para rito noong Oktubre at sisimulan na ang pampublikong pagidinig kaugnay ng implementing rules and regulations nito sa Disyembre 5. Sa […]
Hindi sang-ayon ang mga mamamahayag ng National Union of Journalist of the Philippines sa panukalang nakasampa sa Senado na nagbabawal sa “fake news” o pekeng pamamalita. “Ikinagagalak namin ang talakayan para harapin ang problema ng disimpormasyon at misinformation,” ayon sa pahayag ng NUJP noong Nobyembre 28. “Gayunpaman, dapat maging maingat sa pagpapanukala ng mga batas […]
Naglunsad ng protesta ang iba’t ibang mga organisasyon ng mamamahayag at kabataan ngayong araw para gunitain ang ika-13 anibersaryo ng Ampatuan Massacre at igiit ang hustisya. Isinagawa ang programa sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City. Ang Ampatuan Massacre ay naganap noong November 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao na kumitil sa buhay ng 58 […]
Natatanging Pilipinong mamamahayag si Lady Ann Salem, patnugot ng Manila Today at dating bilanggong pulitikal, sa listahan ng mga nomindao sa 30th Annual Press Freedom Awards ng Reporters Without Borders (RSF) ngayong taon. Kabilang si Salem sa limang mamamahayag at mga midya na nominado sa Independence Prize ng RSF. May kabuuang 15 nominado ang RSF […]
Nakikiisa kami sa mga mamamahayag, manggagawa sa midya, mga tagapamandila ng kalayaan sa pamamahayag at sa buong sambayanan sa paggunita ninyo ngayong araw sa unang National Press Freedom Day sa bansa. Katuwang ninyo ang Partido sa patuloy na paglaban at pagtataguyod sa kalayaan sa malayang pamamahayag, at laban sa nagpapatuloy na paniniil at pambubusal ng […]
Tinambangan si Aldwin Quitasol, mamamahayag at tagapangulo ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC), habang pauwi sa kanyang tahanan noong Marso 1, alas-10 ng gabi. Ayon kay Quitasol, naglalakad siya sa Quezon Hill, Baguio City nang may humintong motorsiklo at siya’y barilin ng lulan nito. Nakaligtas siya sa pamamaril. Bago nito, ilambeses na siyang nired-tag […]