Nagmartsa ang mahigit isanlibong drayber at opereytor ng dyip at mga public utility vehicle (PUV), mga manggagawa, maralita at iba pang sektor mula sa Welcome Rotunda tungong Mendiola sa Maynila noong Nobyembre 22, huling araw ng tatlong-araw na tigil-pasada, para batikusin ang kontra-mahirap na sapilitang konsolidasyon sa prangkisa at phaseout sa mga dyip at PUV. […]
Dulot ng malawakang epekto at pagkaparalisa ng mga ruta sa Metro Manila bunsod ng inilunsad ng tigil-pasada ng mga pampublikong transportasyon, natulak ang Malacañang na makipag-usap sa grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at Manibela kahapon. Iniulat ito ng tagapangulo ng Piston na si Mody Floranda ngayong araw. Naganap ang […]