Inii­pit ni Du­ter­te ang Pi­li­pi­nas sa nag-uum­pu­gang im­per­ya­lis­tang ba­to

,

Nag­pa­ha­yag kamakailan si Rodrigo Du­ter­te ng GRP ng pag­ka­ba­ha­la sa po­si­bi­li­dad na su­mik­lab ang ar­ma­dong sa­gu­pa­an sa pa­gi­tan ng US at Chi­na sa South Chi­na Sea (SCS). Diu­ma­no, “ha­wak na” ng Chi­na ang na­tu­rang ka­ra­ga­tan at nag-uud­yok lamang ng kontra-ak­syon ni­to ang mga ini­lu­lun­sad na “mi­li­tary drill” ng US. Mag­du­ru­sa raw ang Pi­li­pi­nas sa­ka­ling su­mik­lab ang ge­ra sa lu­gar.

Mis­tu­lang nag­hu­hu­gas ng ka­may si Du­ter­te sa lu­ma­la­king ten­syong mi­li­tar sa SCS. Ka­tu­na­yan, ma­la­ki ang pa­na­na­gu­tan ni Du­ter­te sa sit­wa­syon sa SCS sa da­la­wang-pa­nig ni­yang pag­tat­ray­dor sa pam­ban­sang ka­sa­rin­lan ng Pi­li­pi­nas na nag­bi­gay-da­an sa mi­li­ta­ri­sa­syon o pag­pa­pa­la­kas ng pre­sen­sya at pwer­sang mi­li­tar kap­wa ng US at Chi­na sa ka­ra­ga­tang ito.

Pi­nag­du­ru­sa­han ng sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no ang wa­lang-gu­lu­god na pa­ta­ka­rang pan­la­bas ni Du­ter­te at pag­tang­gi ni­yang ita­gu­yod ang ka­sa­rin­lan ng ban­sa sa iba’t ibang mga usa­pin. Ya­man at pam­ban­sang ka­la­ya­an ng sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no ang ka­pa­lit sa pag­ta­tak­sil na ito ni Du­ter­te na la­long nag­pa­pa­la­kas ng ka­pang­ya­ri­han at im­per­ya­lis­tang do­mi­na­syon.

Sa isang pa­nig, lu­bos nang ipi­na­mi­mi­gay ni Du­ter­te sa Chi­na ang ya­man at ka­ra­pa­tan ng ban­sa sa SCS. Sa nag­da­ang da­la­wang taon, isi­nan­ta­bi ni­ya ang so­be­ran­ya ng Pi­li­pi­nas sa Spratly Islands nang mag­wa­lang-i­mik si­ya ha­bang ang Chi­na ay nag­rek­la­ma­syon ng ha­los 1,300 ek­tar­yang lu­pa at nag­ta­yo ng iba’t ibang mga pa­si­li­dad doon. Ilanlibong ek­tar­yang mga ba­hu­ra at pa­ngis­da­an ang ni­lus­tay sa mga konstruk­syong ito.

Ni­lu­kot ni Du­ter­te ang 2016 na de­si­syon ng in­ter­na­syu­nal na hu­ku­mang Arbit­ral Tri­bu­nal na nag­sa­bing ang Spratly is­lands, Scar­bo­­rough Sho­als at iba pang ba­ha­gi ng SCS ay ka­bi­lang sa exclu­sive eco­no­mic zo­ne at exten­ded con­ti­nen­tal shelf ng Pi­li­pi­nas at ku­mi­la­la sa ka­ra­pa­tan ng Pi­li­pi­nas sa ila­lim ng UN Conven­ti­on on the Law of the Seas. Lu­mi­lik­ha si Du­ter­te ng wa­lang-ba­ta­yang ta­kot na “hin­di ka­yang ma­ki­pag­ge­ra ng Pi­li­pi­nas sa Chi­na” ga­yong hin­di lang na­man pa­ki­ki­pag­ge­ra ang pa­ra­an ng pa­gi­gi­it ng ka­ra­pa­tan ng ban­sa.

Sa pag­tang­gi ni Du­ter­te na ita­gu­yod ang ga­yong de­si­syo­n, wa­lang-had­lang na isi­na­ga­wa ng Chi­na ang pag­ta­ta­yo ni­to ng ba­se mi­li­tar sa Spratly Is­lands sa la­yu­ning pa­ta­ta­gin ang pre­sen­syang mi­li­tar ni­to sa lu­gar la­ban sa US. Ka­bi­lang sa iti­na­yo ng Chi­na ang isang pa­li­pa­ran na may 10,000 pi­yeng paliparan, mga dau­ngan at iba pang pa­si­li­dad. Pa­tu­loy na hi­na­had­la­ngan ang mga ma­ngi­ngis­dang Pi­li­pi­no ng mga coast guard ng Chi­na na ani­mo’y pag-aa­ri ni­la ang ka­ra­ga­tang sa­kop ng Pi­li­pi­nas. Ang pag­pa­pa­la­kas ng pwer­sang mi­li­tar ng Chi­na sa SCS ay nag­la­la­yong had­la­ngan ang pre­sen­syang mi­li­tar ng US dito at bantayan ang ma­la­king ya­mang na­ka­im­bak sa ila­lim ng ka­ra­ga­tan.

Mis­tu­lang maa­mong tu­pa ang asal-a­li­ping si Du­ter­te na hin­di ma­ru­nong mag­mu­ra sa ha­rap ni­to. Ta­ha­sang pa­nga­nga­yu­pa­pang idi­nek­la­ra ni­ya ka­ma­kai­lan sa Chi­na: “Na­ri­yan ka­yo, ka­yo ang may ha­wak, sa­kop nin­yo, sa­bi­hin nin­yo sa amin saan ka­mi da­da­an at ano ang da­pat na­ming ma­ging asal.” La­bis na ka­mu­hi-mu­hi ang ga­yong asal-a­li­pin ni Du­ter­te. Wa­la si­yang ti­ni­tin­di­gang pam­ban­sang in­teg­ri­dad.

Wa­lang ibang pa­kay ang wa­lang ka­hi­ya-hi­yang pag­yu­ko at pag­su­ko ni Du­ter­te sa Chi­na kun­di ang du­mu­log ng ma­la­king pau­tang pa­ra pon­do­han ang kan­yang am­bi­syo­song prog­ra­mang Build, Build, Build. Ang pagdating ni Pre­si­dent Xi Jin­ping ng Chi­na sa Pi­li­pi­nas nitong Nobyembre ay oka­syon pa­ra pir­ma­han ang kontra­ta sa “mag­ka­sa­nib na eksplo­ra­syo­n” sa ka­ra­ga­tang sa­kop ng Pi­li­pi­nas, ka­hit si­na­sa­bing ta­li­was ito sa konsti­tu­syong 1987 na nag­bi­bi­gay ng ga­yong eksklu­si­bong ka­ra­pa­tan sa es­ta­do.

Kwestyu­nab­le rin ang pi­na­sok na ka­sun­du­an noong 2005 na Joint Ma­ri­ne Seis­mic Under­ta­king (JM­SU) na pi­non­do­han pa­ngu­na­hin ng Chi­na noong 2005 na nag-a­lam sa na­ka­im­bak na re­kur­so sa ma­hi­git 142,886-ki­lo­met­ro kwad­ra­dong ka­­­ra­­­ga­tan (ha­los ka­la­ha­ti ng la­ki ng lu­pa­in ng Pi­li­pi­nas). Na­ta­pos ang pag-aa­ral noong 2007 su­ba­lit ang re­sul­ta ay eksklusibong ha­wak ng Chi­na. Ti­na­ta­ya ng Chi­na na ka­yang uma­bot sa $60 tril­yon ang halaga ng na­ka-im­bak na la­ngis, na­tu­ral gas at mga mi­ne­ral sa ila­lim ng ka­ra­ga­tan ng SCS. Sa nga­lan ng “eksplo­ra­syo­n,” nais ng Chi­na na ala­min kung pwe­deng si­mu­lan ang ko­mer­syal na ope­ra­syon pa­ra mi­na­hin ang ya­mang ito.

Ka­tu­lad na ipi­na­in ng Chi­na noong 2004 ang $904 mil­yon pau­tang kay Arro­yo pa­ra pir­ma­han ang JMSU, ipi­na­pa­in nga­yon ng Chi­na ang ilang bil­yong dol­yar na pau­tang pa­ra kay Du­ter­te ka­bi­lang ang pro­yek­tong ri­les, mga kal­sa­da atbp pa­ra pir­ma­han ang ka­sun­du­ang “joint explo­ra­ti­on” na nais ng Chi­na na ku­mi­la­la sa so­be­ran­ya ni­to sa lu­gar. Ka­pa­lit ng ilang bil­yong pau­tang na ito, pa­bor si Du­ter­te na ibi­gay sa Chi­na hin­di la­mang ang ilang tril­yong dol­yar na ya­mang da­gat, kun­di ma­ging ang so­be­ran­ya ng ban­sa. Sa pag­ka­ha­yok ni Du­ter­te sa ma­ta­as na in­te­res na pau­tang ng Chi­na, hin­di ma­la­yong ma­ging ali­ping-u­tang ang Pi­li­pi­nas.

Sa ka­bi­lang pa­nig, wa­la ring ka­hi­ya-hi­ya ang pa­nga­nga­yu­pa­pa ni Du­ter­te sa im­per­ya­lis­mong US. Ki­nas­ti­go ni­ya ang isi­na­sa­ga­wang eher­si­syong na­bal ng US sa SCS na nag­ri­ris­go ng pag­sik­lab ng kompron­ta­syon sa Chi­na, pe­ro pa­yag na pa­yag na­mang ga­mi­tin ang Pi­li­pi­nas bi­lang dau­ngang mi­li­tar ng mga bar­kong pan­dig­ma ng US. Ang Pi­li­pi­nas ay nag­si­sil­bing ba­se ng US pa­ra sa pag­lu­lun­sad ni­to ng ti­na­gu­ri­ang “free­dom of navi­ga­ti­on ope­ra­ti­ons” pa­ra diu­ma­no ti­ya­kin ang ka­la­ya­an sa pag­la­la­yag pe­ro pa­ra la­mang igi­it ang pre­sen­sya at po­der ng US sa South Chi­na Sea.

Anu­mang oras, gi­na­ga­mit rin ng mi­li­tar ng US ang mga pa­li­pa­ran at iba pang pa­si­li­dad sa Pi­li­pi­nas pa­ra sa pag-iim­bak ng mga ka­ga­mi­tan at pa­ra ga­wing pa­hi­nga­han at ali­wan ng mga tro­pang Ame­ri­ka­no.

Sa ila­lim ni Du­ter­te, pa­ra­mi nang pa­ra­mi ang isi­na­sa­ga­wang mga mag­ka­sa­nib na pag­sa­sa­nay at mga war ga­me.

Hung­kag ang si­na­bi ni Du­ter­te na hin­di si­ya pa­pa­yag na mag-im­bak ng mga ka­ga­mi­tang mi­li­tar ang mga da­yu­han sa Pa­la­wan. Ang to­too, ma­ta­gal nang gi­na­ga­mit ng mi­li­tar ng US ang baseng nabal sa Ulu­ngan na pi­na­la­ki nila noong 2014 pa­ra ma­ga­mit na dau­ngan at im­ba­kan sa ila­lim ng EDCA. Ang ka­ha­ba­an ng Pa­la­wan ay gi­na­mit rin ng US pa­ra mag­ta­yo ng mga is­ta­syon ng ra­dar pa­ra mag-es­pi­ya sa ka­ra­ga­tan ng Pi­li­pi­nas. Sa nga­lan ng pag-iim­bak ng mga ka­ga­mi­tan pa­ra sa “hu­ma­ni­ta­ri­an and di­sas­ter res­pon­se” o pag­ha­rap sa mga sa­ku­na, nag­ta­yo rin ng pa­si­li­dad ang US sa Pam­pa­nga pa­ra ga­mi­tin ng pwer­sang mi­li­tar ni­to. Hin­di ba­ba­ba sa li­mang kam­po ng AFP sa buong ban­sa ang gi­na­ga­mit ng US pa­ra ita­yo ang mga pa­si­li­dad ni­to.

Pa­tu­loy na pi­na­la­la­kas ng US ang do­mi­na­syon ni­to sa Pi­li­pi­nas sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pa­hig­pit ng kontrol ni­to sa AFP. Ayon sa US, may­ro­on itong 200-300 mga ta­ga­pa­yo sa AFP na per­ma­nen­teng na­ka­is­ta­syon sa Pi­li­pi­nas. Sila ang nag­bi­bi­gay ng mga pag­sa­sa­nay at nagdidirehe ng ilang ope­ra­syon ng AFP. Tu­luy-tu­loy ang pag­bi­bi­gay ng US ng ayu­dang mi­li­tar sa AFP, ka­bi­lang ang mga dro­ne, he­li­kop­ter, mga ba­ril, ba­la at iba pang san­da­ta na gi­na­ga­mit sa mga ope­ra­syon ng ar­ma­dong pa­nu­nu­pil sa ila­lim ng Oplan Ka­pa­ya­pa­an.

Tu­luy-tu­loy ang pag­bi­bi­gay-pan­sin ng US sa pag­bi­bi­gay ayu­da sa Ma­ra­wi upang pa­ta­ta­gin ang pre­sen­syang mi­li­tar ng US sa Min­da­nao. Sa ud­yok ng US, idi­nek­la­ra ni Du­ter­te na “te­ro­ris­ta” ang PKP at BHB upang ma­ga­mit na da­hi­lan pa­ra sa pag­bu­buo ng US ng Ope­ra­ti­on Pacific Eag­le-Phi­lip­pi­nes (OPE-P) bi­lang isang “an­ti-te­ro­ris­tang ope­ra­syo­n” ng US na si­yang pla­ta­por­ma nga­yon ng pang­hi­hi­ma­sok mi­li­tar ng US sa ban­sa. Sa pag­pa­pa­la­wig ng ba­tas mi­li­tar sa Min­da­nao, la­lo ring na­pa­la­la­kas ang ini­sya­ti­ba ng US sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­pa­pa­taw ng ab­so­lu­tong ka­pang­ya­ri­han ng AFP.

Ma­ta­gal nang gi­na­ga­mit ng US ang Pi­li­pi­nas bi­lang instru­men­to pa­ra sa he­ge­mo­nis­mo ni­to. Gi­na­mit ang ban­sa bi­lang base sa pang­ge­ge­ra ni­to sa Ko­rea, Viet­nam, Iran, Afgha­nis­tan at iba pang ban­sa. Da­hil di­to, la­gi rin itong tar­get ng mga ka­ri­bal at kaa­way ng US mu­la pa noong de­ka­da 1930.

Sa ila­lim ni Du­ter­te, pa­tu­loy na gi­na­ga­mit ang Pi­li­pi­nas bi­lang isa sa instru­men­to pa­ra sa estra­te­hi­kong interes mi­li­tar ng US sa Asia. Gi­na­ga­mit ni­to nga­yon ang ban­sa bi­lang ba­se pa­ra had­la­ngan ang pag­la­kas ng mi­li­tar ng Chi­na, mag­pa­ki­tang-gi­las at pa­na­ti­li­hin ang pre­sen­syang mi­li­tar ni­to sa South Chi­na Sea pa­ra se­gu­ru­hing kontro­la­do ni­to ang pag­la­gos di­to ng ka­la­ka­lan.

Sa ila­lim ni Du­ter­te, pa­tu­loy na wa­lang tu­nay na pam­ban­sang ka­sa­rin­lan at nag­sa­sa­ri­ling eko­nom­ya ang Pi­li­pi­nas. Na­na­na­ti­ling ma­la­ko­lon­ya ito ng im­per­ya­lis­mong US na si­yang do­mi­nan­teng ka­pang­ya­ri­hang pam­pu­li­ti­ka at pang­mi­li­tar sa ban­sa. Hung­kag ang idi­nek­la­ra ni Du­ter­te na “in­de­pendyen­teng pa­ta­ka­rang pan­la­bas.”

Sa ha­rap ng lu­ma­la­lang kri­sis ng pan­da­ig­di­gang sis­te­mang ka­pi­ta­lis­ta at lu­ma­la­king pag­ha­mon ng Chi­na sa ka­pang­ya­ri­han ng US, ang Pi­li­pi­nas ay na­gi­ging instru­men­to at tar­get ng kap­wa im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han. Da­hil sa pa­gi­ging su­nud-su­nu­ran ni Du­ter­te sa US at Chi­na, hin­di mag­la­lao’y maii­pit ang Pi­li­pi­nas sa git­na ng da­la­wang nag-uum­pu­gang im­per­ya­lis­tang ba­to.

Maii­wa­san la­mang ang ga­ni­tong pang­ya­ya­ri kung ma­hig­pit na igi­gi­it ng buong sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no ang pag­ta­ta­gu­yod sa pam­ban­sang ka­sa­rin­lan at ma­ta­tag na isu­su­long ang pa­ta­ka­ran ng ka­pa­ya­pa­an at di pag­pa­nig sa alin­mang im­per­ya­lis­tang nag­tu­tung­ga­li. Da­pat igi­it ng sam­ba­ya­nan ang so­be­ran­ya ng ban­sa sa SCS at itu­lak ang de­mi­li­ta­ri­sa­syon ni­to, kap­wa ang pag­ba­bak­las ng mga ba­se mi­li­tar ng Chi­na at pag­pa­pa­la­yas ng mga bar­kong US sa mga ka­ra­ga­tang sa­kop ng Pi­li­pi­nas.

Kaa­ki­bat ni­to, da­pat igi­it ng sam­ba­ya­nan ang pag­ta­ta­gu­yod ng ka­sa­rin­lan sa eko­nom­ya na bi­nu­buo ng pag­su­su­long ng tu­nay na re­por­ma sa lu­pa at pam­ban­sang in­dustri­ya­li­sa­syo­n. Ang pag­ta­ta­gu­yod sa pam­ban­sang ka­sa­rin­lan ay epek­ti­bong mai­sa­sa­ga­wa la­mang kung may ka­la­ya­an sa eko­nom­ya at ka­ka­ya­hang tu­min­dig sa sa­ri­ling paa, sa isang ban­da; at sa ka­bi­lang ban­da, ang ka­la­ya­an sa eko­nom­ya ay maitatag­uyod la­mang kung may tu­nay na pam­ban­sang ka­la­ya­an pa­ra itak­da ang tad­ha­na ng ban­sa alin­su­nod sa in­te­res ng sam­ba­ya­nan.

Inii­pit ni Du­ter­te ang Pi­li­pi­nas sa nag-uum­pu­gang im­per­ya­lis­tang ba­to