Simbahan, handang mamagitan sa usapang pangkapayapaan

,

Sa kabila ng resolusyon ng Anti-Terrorism Council na nagdeklarang “terorista” sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), handa pa rin ang sektor ng simbahan na mamagitan sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at ng reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP), magsasagawa sila ng mga konsultasyon sa mamamayan at itutulak ang pagbabalik ng usapan lampas sa 2022 kaharap ang mapipili na bagong mga lider. Anang grupo, gusto nilang maging pamantayan ng taumbayan sa pipiliing lider ang kahandaan nito sa usapang pangkapayapaan.

Noong Hulyo 22, binatikos ng PEPP ang paglilista sa NDFP bilang teroristang grupo. Nangangamba silang ituturing ding mga “terorista” ang lahat ng mga sumusuporta sa kapayapaan katulad nila.

Simbahan, handang mamagitan sa usapang pangkapayapaan