Pakikibakang manggagawa

,

 

Unyon sa Laguna, panalo sa eleksyon. Naipanalo ng militante at makabayang unyon na Panadero ng Philfoods Fresh Baked Product Inc-OLALIA-KMU ang eleksyon noong Setyembre 22 para katawanin ang mga manggagawa ng pagawaan. Nakakuha ng 295 na boto ang unyon sa kabuuuang 341 boto laban sa huwad na unyong binuo ng NTF-Elcac kasabwat ang kumpanya. Bilang pagdiriwang, nagtipun-tipon ang mga unyonista sa harap ng pagawaan sa Barangay Mamplasan, Biñan. Nanalo ang unyon sa gitna ng panggigipit at pangrered-tag ng pulis at NTF-Elcac sa mga upisyal at myembro nito. Ang Philfoods Fresh Baked Product Inc ay kapatid na pagawaan ng Gardenia Bakeries, isang kumpanyang Malaysian.

Sama-samang pagkilos sa Fuji Electric sa Laguna. Serye ng mga sama-samang pagkilos sa loob at labas ng pagawaan ang inilunsad ng unyong Fuji Electric Phils. OLALIA-KMU noong Setyembre para kalampagin ang kumpanya sa patuloy na pambabarat nito sa kanilang sahod sa nagaganap na negosasyon para sa CBA. Hanggang ₱20-₱25 lamang ang alok ng maneydsment sa kabila ng di nito pagdagdag ng sahod habang milyun-milyon ang nakamal nitong tubo sa nagdaang tatlong taon.

Unyon sa Subic, kumilos para sa CBA. Naglunsad ng sama-samang pagkilos ang mga manggagawa mula Samahan ng mga Manggagawang Nagkakaisa sa Umicore Specialty Chemicals Subic noong Setyembre 16 para kundenahin ang ilang buwan nang hindi pag-usad ng negosasyon para sa bagong CBA. Ang Umicore ay isang kumpanyang Amerikano na tinatayang kikita ng €1,020 milyon (₱60.8 bilyon) ngayong 2023.

Pakikibakang manggagawa