Ano ang charter change (chacha)?
Ito ang proseso sa pag-amyenda o pagbabago sa Konstitusyong 1987 ng reaksyunaryong Gubyerno ng Republika ng Pilipinas. Ayon sa batas, may tatlong pamamaraan para isagawa ang chacha. Ang binagong konstitusyon ay kailangang dumaan sa plebisito bago maging ganap na batas.
a. Constitutional Convention (con-con) – pagpapatawag ng Kongreso ng isang kumbensyon mula sa boto ng 2/3 o mayorya ng lahat ng myembro nito.
Hindi nakasaad sa Konstitusyong 1987 kung paano pinipili ang mga delegado sa isang con-con. Sa mga nakaraang kumbensyon, ang lehislatura na ang nagpapatawag ng kumbensyon kung paano pipiliin ang mga delegado. Ayon sa RA 6132, ang mga delegado sa isang concon ay ihahalal ng isang isang ispesyal na pambansang eleksyon.
b. Constituent Assembly (con-ass) – tinitipon dito ang lahat ng myembro ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso para magpanukala ng mga pagbabago sa Konstitusyong 1987.
Ipapasa ang mga amyenda kung aabot sa 3/4 ng lahat ng myembro ng Kongreso ang sasang-ayon. Hindi malinaw kung pantay na tig-isang boto ang mga Senador o Kongresista sa botohan sa mga pagbabago (ammendments).
c. people’s initiative (PI) – direktang pagpapatawag ng mga referendum sa mamamayan.###