Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Tangan ang mga tagubilin ng Partido, tinatanaw ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan ang ibayong pagsulong ng rebolusyon sa rehiyon at pag-aambag sa pambansang pagsisikap na buklurin at pamunuan ang malawak na masa ng sambayanang PIlipino sa paglaban sa rehimeng US-Marcos II at isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon. Susi rito ang pagsusulong ng kilusang pagwawasto. Pinasinayaan […]
Sa gitna ng tumitinding bangayan ng paksyong Marcos at Duterte, iniraratsada ng rehimeng US-Marcos II ang charter change (chacha) na makikita sa garapalang paglalako nito sa publiko sa anyo ng huwad na people’s initiative o mga maniobra sa Kongreso, partikular sa Kamara. Nagkukumahog ang ilehitimong rehimen na ipatupad ang chacha para sa interes ng imperyalismong […]
Ito ang proseso sa pag-amyenda o pagbabago sa Konstitusyong 1987 ng reaksyunaryong Gubyerno ng Republika ng Pilipinas. Ayon sa batas, may tatlong pamamaraan para isagawa ang chacha. Ang binagong konstitusyon ay kailangang dumaan sa plebisito bago maging ganap na batas. a. Constitutional Convention (con-con) – pagpapatawag ng Kongreso ng isang kumbensyon mula sa boto ng […]
Sa gitna ng mga pabalita ng reaksyunaryong estadong “nagtatagumpay” ang kontra-rebolusyonaryong gera nito laban sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), naglipana ang mga nagdudunung-dunungang indibidwal at grupong sirang plakang lumalabusaw sa makauring pagsusui ng PKP na malakolonyal at malapyudal (MKMP) ang lipunang Pilipino. Hangal nilang ipinagpipilitang umunlad na ang Pilipinas sa kapitalismo! Ahente sila ng […]
Unang inilabas ang pagsusuring MKMP ang lipunang Pilipino sa librong Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero (Jose Maria Sison) noong 1969. Nagsilbing gabay naman sa paglulunsad ng digmang bayan sa isang MKMP na lipunan ang akda niyang Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan noong 1974. Samantala, katuwang ang asawa niyang si Ka Julie […]
Babala: Naglalaman ng maseselan at grapikong detalye tungkol sa mga labi ng ilang biktima ng pasismo at terorismo ng estado. Halang ang bituka ng AFP-PNP at reaksyunaryong estado sa makahayop na pagtrato sa mga labi ng mga rebolusyonaryong martir at mga sibilyang biktima ng pasismo at terorismo. Labis na pasakit ito sa mga kaanak […]
Kinundena ng mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa sa Mindoro at Palawan ang tuluy-tuloy na agresibong pagpopostura ng US at China sa West Philippine Sea (WPS), pinakatampok ang tuluy-tuloy na mga ehersisyong militar sa saklaw ng mga karagatan sa Mindoro at Palawan sa bungad ng taon. Noong Enero 4-5, inilunsad ng US at AFP ang maritime […]
Nagtipon ang mga rebolusyonaryong pwersa ng Rizal upang sama-samang gunitain ang ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Enero 12. Kasabay nito, nagbigay-pugay ang PKP-Rizal kay Prof. Jose Maria “Ka Joma” Sison at sa mga rebolusyonaryong martir ng Rizal at NAAC-BHB Rizal. Nag-alay ng mensahe ng pakikiisa at mga kultural na pagtatanghal […]
Matagumpay na tinambangan ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC)-BHB Rizal ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IBPA noong Enero 31, ganap na 5:10 ng madaling araw, sa Sityo Lukutang Malaki, Brgy. San Isidro, Rodriguez. Tatlo ang kumpirmadong patay sa hanay ng 80th IBPA habang walang pinsala sa panig ng mga Pulang mandirigma. Para itago ang pinsala, […]