Mga tagumpay ng RA sa Sierra Madre

Mahigpit na kaugnay ng karapatan sa pagpapasya-sa-sarili ang pananatili sa lupang ninuno kung kaya’t ipinagtatanggol ito ng mga katutubong Dumagat-Remontado, masang anakpawis at hukbong bayan.

Sa Barangay Puray, kinumpiska mula sa gahamang si Narding Santos ang kinamkam nitong 500 ektaryang lupang ninuno. Dahil dito ay pinakikinabangan pa rin ng mga katutubo at magsasaka sa lugar ang kanilang mga lupain hanggang ngayon.

Noong huling bahagi ng dekada ‘80 sa Barangay Umiray, General Nakar, Quezon, maningning na tagumpay ang kumpiskasyon ng 50,000 ektaryang lupang kinamkam ng PML na si Roberto Guaponsoy. Napalayas rin ng mga aksyong militar ng BHB ang yunit ng PC na nanghaharas sa mga residente. Mula noon, naging malaya ang mga katutubo at iba pang maralitang setler na makapagtanim ng palay, saging, niyog at iba pa. Pinakikinabangan din nila ang mga yaman ng kabundukan kagaya ng yantok at mga isda.

Mga tagumpay ng RA sa Sierra Madre