Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Kinamumuhian ng sambayanang Pilipino ang pamilya Marcos, ang kinatawan ngayon ng pinakabulok na pangkatin ng naghaharing uri at tuta ng imperyalismong US. Sila ang mukha ng kabulukan ng burukrata kapitalismo at pasistang estado na nagpapahirap sa bayan. Lantaran silang nangangayupapa sa imperyalismong US, kabi-kabilang nandarambong sa pera ng bayan, labis na nagpapabaya sa mga nagdaang […]
Binuod ng awit na On Potok ang pakikibaka ng mga Dumagat-Remontado sa Sierra Madre. Ayon sa awit, nagdala ng ligalig sa tahimik na pamumuhay ng mga katutubong Dumagat at Remontado ang mga ipinasok na mapangwasak at makadayuhang proyekto. Matatagpuan sa Rizal, Hilagang Quezon hanggang timog ng Gitnang Luzon ang mga pambansang minoryang Dumagat at Remontado. […]
Mahigpit na kaugnay ng karapatan sa pagpapasya-sa-sarili ang pananatili sa lupang ninuno kung kaya’t ipinagtatanggol ito ng mga katutubong Dumagat-Remontado, masang anakpawis at hukbong bayan. Sa Barangay Puray, kinumpiska mula sa gahamang si Narding Santos ang kinamkam nitong 500 ektaryang lupang ninuno. Dahil dito ay pinakikinabangan pa rin ng mga katutubo at magsasaka sa lugar […]
Sa nagdaang dalawang dekada, nahubad na ang makinang na bihis ng neoliberalismo. Inamin na ng mga nagsulong ng neoliberalismo na bangkarote ang patakarang neoliberal at hindi nagdulot ng pag-unlad ng kabuhayan ng mamamayan. Sa isang masaklaw na pag-aaral sa mga programa ng International Monetary Fund (IMF) na inilathala noong Mayo 2016, binatikos ng mga ekonomista […]
Malaking okasyon para sa mga reaksyunaryong pwersa, sa pangunguna ng AFP-PNP, mga ahensya sa depensa ng GRP at pati LGU, ang pagtatatak sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas bilang “insurgency-free” o malaya sa impluwensya ng PKP-BHB-NDFP. Sasabayan ito ng seremonya at pagkakaloob ng sertipiko o plake sa LGU. May tarpaulin, pakain at imbitasyon sa midya […]
Nanawagan ang rebolusyonaryong mamamayan ng Rizal na singilin ang inutil at pabayang rehimeng US-Marcos II sa pagkawala ng mga buhay at matinding pinsala sa kabuhayan at ari-arian na idinulot ng pagbaha sa probinsya sa panahon ng mga bagyong Carina at Enteng. Nagresulta ang tuluy-tuloy na pag-ulan ng mabilis na pagtaas ng mga ilog, pagragasa ng […]
Nakamit ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union-National Federation of Labor Unions-Kilusang Mayo Uno (NPIWU-NAFLU-KMU) ang mayor nitong demanda sa kapitalista na ibalik sa trabaho ang mga tinanggal na manggagawa at iba pa nitong Setyembre 25. Bunga ito ng tuluy-tuloy na pakikibaka ng unyon na kinatampukan ng paghahain ng notice of strike (welga) noong Hunyo at […]
Patuloy na nananalasa ang AFP-PNP sa mga komunidad ng magsasaka at maralitang lungsod sa rehiyon. Sa kabila nito, nananatiling marubdob ang paglaban ng mamamayang TK. Panggigipit. Pinatindi ng AFP-PNP ang panggigipit sa Lupang Ramos sa Dasmariñas City at Lupang Tartaria sa Silang, Cavite. Ang mga lugar na ito ay may tunggalian sa lupa kung saan […]
Sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng Batas Militar, naglunsad ang mga progresibong grupo ng Timog Katagalugan ng dalawang araw na sakbayan (sakayang bayan) o karaban upang kundenahin ang terorismo ng estado sa ilalim ng rehimeng US-Marcos II. Sa pangunguna ng Karapatan Timog Katagalugan at Defend Southern Tagalog, itinampok ng sakbayan ang iba’t ibang atake sa […]