KM-Northern Negros, itinatag

,

Inianunsyo noong Marso 9 ang pagkakatatag sa balangay ng Kabataang Makabayan (KM) sa Northern Negros. Ipinangalan ang balangay kay Kasamang Emaren Pastidio, isang babaeng Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros (Roselyn Jean Pelle Command) na namartir sa Barangay Pinapugasan, Escalante City, Negros Occidental noong Pebrero 21, 2024.

Dumaan sa maraming kalupitan sa kamay ng 79th IB si Pastidio noong 2018 at 2021. Kabilang dito ang detensyon, pagdukot, tortyur at paulit-ulit na panggagahasa. Kinuha rin ng militar at ginawang hosteyds ang kanyang sanggol para pasukuin siya at kanyang asawa.

Ayon sa KM-Northern Negros, ang pagpapangalan sa kanya sa balangay ay bigwas sa 79th IB. Panata ng grupo na ipagpapatuloy ng mga bagong henerasyon ng rebolusyonaryong kabataan ang kanyang nasimulan. Nagpaabot ng pagbati ang KM-Kris Montañez at KM-John Paul Calica, nakabase sa Metro Manila, sa pagkakatatag ng balangay.

KM-Northern Negros, itinatag