Kumpanya sa agrikultura, pinatawan ng sangsyon ng BHB-South Central Negros

,

Ipinatupad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros (Romeo Nanta Command) ang sangsyon ng demokratikong gubyernong bayan sa W.D Anglo Agri Farm, isang mapang-abusong kumpanya sa agrikultura sa Negros Occidental noong Marso 8. Pag-aari ito ni Wilfred D. Anglo at matatagpuan sa Hacienda Baling, Barangay Libacao, Himamaylan City. Pinaralisa at sinunog ng BHB ang tatlong traktora, isang crane at isang backhoe ng kumpanya na tinatayang nagkakahalaga ng ₱30-₱40 milyon.

Ang mga trabahante ng kumpanya ay nakapailalim sa sistemang pakyaw. Umaabot lamang sa ₱2,400 kada ektarya ang bayad para sa hilamon (weeding), ₱930 kada laksa (katumbas ng 10,000 tangkay ng tubo) ang patdan o pagtatanim, ₱220 kada tonelada sa pagtatapas, at ₱3 sa kamada (stacking). Malayong mababa ito sa minimum na arawang sahod sa Negros Occidental (₱520) at Negros Oriental (₱500) ng mga manggagawa sa agrikultura, na rurok ng pyudal na kasamaan na higit na nagsasadlak sa mga manggagawang-bukid sa buhay ng sistemikong kagutuman.

Ibinabaon rin ni Anglo sa patung-patong na utang ang mga manggagawang-bukid sa pagpapataw ng 10% lingguhang interes sa perang inuutang nila.

Kumpanya sa agrikultura, pinatawan ng sangsyon ng BHB-South Central Negros