Grupo laban sa dayaan sa eleksyon, binuo sa Cebu
Itinayo ng Simbahang Katolika sa Cebu ang grupong Kontra Tikas noong Pebrero 17 para masilbing independyenteng watchdog o tagamasid sa eleksyong 2025. Pinangunahan ni Rev. Gerardo Alminaza, obispo ng San Carlos Diocese ang pagtitipon sa Archibishop’s Residence, katuwang ang Cebu Archidiocesan Social Advocates. Lumahok dito ang mga kinatawan ng iba’t ibang pananampalataya, eskwelahan, organisasyon at kilusan.
Ang Kontra Tikas ay hango sa katulad na grupong Kontra Daya na nakabase sa Metro Manila. Bubuuin ito ng iba’t ibang organisasyon at indibidwal na may layuning isulong ang komun na kabutihan at himukin ang mamamayan na itaguyod ang panlipunan at pampulitikang pananagutan.
Ayon sa grupo, isasagawa nito ang mga seminar para sa voters education, media at social media proection, networking at pagbubuo ng mga alyansa at pagmomonitor sa eleksyon.