Archive of AB Dailies

Mga unyon sa Metro Manila, naghain ng petisyong dagdag-sahod
March 22, 2023

Nagpiket ang mga manggagawa at kinatawan ng 15 lokal na unyon at walong pambansang pederasyon kahapon sa upisina ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – National Capital Region kasabay ng paghahain nila ng petisyon sa karagdagang ₱530 sa minimum na sahod. Pinangunahan ang sama-samang pagkilos na ito ng Unity for Wage Increase (Uwin). Bago […]

Pekeng pagpapasuko sa mga mangingisda sa La Union, kinundena
March 22, 2023

Kinundena ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang sapilitang pagpapasuko ng mga pulis sa apat nitong kasaping mangingisda sa Barangay San Manuel Norte, Agoo, La Union noong nakaraang linggo. Sa ulat mismo ng Timek ken Namnaman dagiti Babassit a Mangngalap iti La Union (TIMEK La Union-Pamalakaya), inimbitahan ng isang nagpakilalang “Badjao” […]

Alyansa kontra pribatisasyon ng kuryente sa Bacolod, inilunsad
March 22, 2023

Nagtipun-tipon ang mga konsyumer at iba pang grupo sa Bacolod City noong Marso 17 para ilunsad ang isang alyansa na lalaban sa iminumungkahing pribatisasyon ng Central Negros Electric Cooperative, Inc. (CENECO). Itinatag ng mga grupo ang Negros Consumers’ Watch sa pagtitipon nila sa simbahan ng Iglesia Filipina Independiente sa Bacolod City. Ayon sa pahayag ng […]

Ipagtanggol ang Norte, ipinanawagan
March 21, 2023

Nagsasagawa ng “trooping” o pag-iikot sa mga pambansang upisina at ahensya ang mga aktibista, tagapatanggol sa karapatang-tao at katutubo mula sa Northern Luzon nitong Marso 20-21. Layunin nilang ipaabot ang kanilang pagtutol sa nagaganap na panggigipit, militarisasyon at pambobomba sa kanilang mga organisasyon at komunidad. Nagtungo ang delegasyon sa Commission on Human Rights at Kongreso […]

Mga bahay ng katutubo sa Negros Occidental, niransak ng 62nd IB
March 20, 2023

Pilit na pinasok at niransak ng mga sundalo ng 62nd IB ang mga bahay ng mga katutubo sa mga barangay ng Isabela, Negros Occidental habang nagsasagawa ng operasyong kombat na bahagi ng kontra-insurhensyang kampanya ng Armed Forces of the Philippines. Sa Barangay Banog-Banog, pinasok ng mga tropa ng 62nd IB ang bahay ng mag-asawang magsasaka […]

Kawalang trabaho, tumindi noong Enero
March 16, 2023

Tulad ng inaasahan, dumami ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na walang trabaho noong Enero. Pinatingkad nito ang kahungkagan ng mga pahayag ng mga upisyal sa ekonomya ng rehimeng Marcos na “bumabawi na” ang ekonomya. Pinasisinungalingan din nito pahayag ni NEDA Sec. Artemio Balisacan na “masigla” ang istatus ng empleyo sa bansa at “tumataas” na […]

Serye ng panganganyon at aerial bombing sa Bukidnon, iniulat
March 16, 2023

Sunud-sunod na aerial bombing, panganganyon at istraping ang isinagawa ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-ooperasyon sa Malaybalay City, Bukidnon mula Marso 13 hanggang Marso 16. Lubhang apektado ng operasyong militar ito ang buhay at kabuhayan ng mga magsasaka at Lumad sa naturang erya. Noong Marso 13, kinanyon ang bahagi […]

Bagong tayong detatsment ng militar sa Negros Oriental, pinasabugan ng BHB
March 16, 2023

Pinasabugan ng dalawang rifle grenade ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang detatsment ng 62nd IB sa Barangay Malangsa sa Vallehermoso, Negros Oriental kahapon. Ayon sa ulat ng yunit, isinagawa ito bandang alas-7:30 ng gabi. Dalawang sundalo ng 62nd IB ang napatay habang dalawang iba pa ang nasugatan. “Ligtas na nakaatras […]

Pag-alis ng Canada sa NATO, iginiit
March 15, 2023

Inilunsad ng International League of People’s Struggle (ILPS)-Canada noong Pebrero 26 ang isang kampanya para igiit sa gubyerno ng Canada na umalis sa pagiging myembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), tigilan ang pagsuporta sa reaksyunaryong mga rehimen, at tumigil sa pagbebenta ng mga armas. Nagsagawa ng isang porum ang grupo kasabay ng paglulunsad ng […]

Peke at sapilitang “pagpapasuko” sa maralita sa Rizal, binatikos
March 14, 2023

Kinundena ng mga demokratikong organisasyon ang sapilitang pagpapatipon at “pagpapasuko” ng 80th IB at mga ahente ng National Task Force-Elcac noong Marso 12 sa mga residente ng 1K2 Kasiglahan Village, Montalban, Rizal. Ayon sa ulat ng Karapatan-Rizal, tinipon ng mga sundalo ang nasa 400-500 residente at sapilitang pinamirma ng “Katunayan ng Pagkakaisa” o katibayan na […]