Archive of AB Dailies

Organisador at aktibista sa Bohol, isang buwang dinesaparesido bago pinatay ng 47th IB
May 17, 2023

Isang buwan sa kamay ng berdugong 47th IB ang aktibista at organisador ng magsasaka na si Arthur Lucenario bago pinalabas na napatay sa isang “engkwentro” sa pagitan ng yunit nito at ng Bagong Hukbogn Bayan (BHB) noong Mayo 12 sa Barangay Tabuan, Antequera, Bohol. Ang sibilyang si Lucenario ay dinukot ng militar noon pang Abril […]

Aberya sa GCash, paiimbestigahan
May 17, 2023

Laganap pa rin ang online scam sa kabila ng pag-iral ng SIM card registration law. Nitong nakaraang linggo, naitala ang serye ng mga kaso ng pagnanakaw o “cybertheft” na gumagamit ng GCash. Ang GCash ay sistema ng electronic wallet kung saan ang salapi ng isang indibidwal ay hawak ng kumpanyang Globe na nagtatala ng mga […]

Naglalakihang kita sa gitna ng pagtangging itaas ang sahod
May 16, 2023

Samutsari ang pagdadahilan ng mga negosyante para ipagkait sa mga manggagawa ang nararapat sa kanilang nakabubuhay na sahod. Umaalma sila kahit sa katiting na ₱150 across the board na ipinapanukala sa Senado dahil “mahihirapan” umano ang mga kumpanya. Nagbanta pa silang mayroong “malulugi” dahil sa taas ng hinihingi. Pinakahuli ang pagdadahilan na maliit na porsyento […]

Ika-75 taon ng Nakba, ginunita sa gitna ng panibagong serye ng brutalidad ng Israel
May 16, 2023

Ginunita noong Mayo 15 ng mamamayang Palestino at iba’t ibang demokratikong organisasyon sa buong mundo ang ika-75 anibersaryo ng Nakba (Sakuna), ang brutal na okupasyon ng Israel sa teritoryo ng Palestine. Sa araw na ito noong 1948, 750,000 hanggang isang milyong Palestino ang pinalayas sa kanilang mga komunidad para bigyan-daan ang pagtatayo ng estadong Israel. […]

Ehersisyong militar na "Kasangga" ng Australia at Pilipinas, inilunsad
May 15, 2023

Inilunsad ngayong araw ng mga tropang militar ng Australia at Pilipinas ang Exercise Kasangga sa Camp Capinpin, ang 6-linggong pagsasanay militar sa Tanay, Rizal. Kasunod ito ng katatapos lamang na Balikatan 2023 at Cope Thunder sa pagitan ng imperyalistang US at tropang militar ng Pilipinas. Nasa 114 tropa ng Philippine Army at 43 tropa ng […]

Magsasaka sa Kabankalan city, dinakip ng 94th IB
May 14, 2023

Dinakip ng mga sundalo ng 94th IB ang magsasakang si Allan Ramos sa Sitio Dangalon, Barangay Hilamonan, Kabankalan city noong Mayo 11 ng hapon. Pinalalabas ng militar na naaresto si Ramos matapos ang isang engkwentro sa pagitan nila at yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ayon sa ulat mismo ng mga residente, walang engkwentrong naganap […]

Warrant of Arrest laban sa "Northern Luzon 7," ipinawalambisa
May 14, 2023

Ipinawalambisa ng Bangued Regional Trial Court Branch 2 ang mga warrant of arrest na inilabas laban sa tinaguriang “Northern Luzon 7” na kinabibilangan ng mga aktibista at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo na sinampahan ng kasong rebelyon noong Enero. Inilabas ng korte ang desisyon noong Mayo 11 na nagsasabing hindi naman pinangalanan ng mga […]

Pagtatalaga kay Sara Duterte bilang co-vice chair ng NTF-Elcac, malawakang binatikos
May 13, 2023

Kabi-kabilang batikos ang inabot ni Sara Duterte matapos italaga siya ng mga alipures ng kanyang ama bilang co-vice chairperson ng korap at pasistang National Task Force-Elcac. Bwelta ng ACT Teachers party-list, tiba-tiba na naman si Duterte dahil kokopoin niya ang bilyun-bilyong condifdential at intelligence fund sa pagkakatalaga niya sa ahensya. “Sa pagkakatalaga niya…magkakaroon siya ng […]

Ikalawang kaso sa droga ni de Lima, ibinasura ng korte
May 12, 2023

Ibinasura ngayong araw ng isang korte sa Muntinlupa City ang ikalawang kaso sa droga na isinampa laban kay dating senador Leila de Lima. Noong 2022 pa binawi ng pangunahing witness laban kay de Lima sa naturang kaso ang mga testimonya. Si de Lima ay inakusahang tumanggap ng ₱10 milyon sa naturang kaso mula sa dating […]

Nakatakdang "ROTC games" sa isang kampus sa Visayas, binatikos
May 11, 2023

Kinundena ng mga kabataan ang pinaplanong paglulunsad ng isang palaro sa hanay ng mga kadete ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Visayas sa susunod na dalawang buwan. Inianunsyo ang naturang aktibidad noong Mayo 5 sa isang pagtitipon sa kampus ng Cebu Technological University (CTU) sa Cebu City kung saan dumalo ang mga sundalo ng […]