Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mga manggagawa at kabataan, nagprotesta sa Araw ni Bonifacio
December 01, 2023

Naglunsad ng protesta ang mga unyon ng manggagawa at grupo ng mga kabataan sa iba’t ibang bahagi ng bansa para gunitain ang ika-160 araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, Ama ng Himagsikang Pilipino, noong Nobyembre 30. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno ang nagkakaisang hanay ng mga manggagawa habang nagmartsa ang mga kabataan sa pangunguna ng […]

Organisador sa Quezon, dinukot ng pwersa ng estado
December 01, 2023

Iniulat ng grupo sa karapatang-tao na Tanggol Quezon ang pagkawala ni Mar Silos, organisador ng mga mangingisda’t magsasaka, sa Barangay Montecillo, Sariaya, Quezon noong Nobyembre 29. Malaki ang hinala ng grupo na mga ahente ng estado ang dumukot sa naturang organisador. Si Silos ay kasapi ng Pagkakaisa ng mga Magsasaka at Tagapagtaguyod sa Ikalawang Distrito […]

CNL, Kaguma, nagpaabot ng suporta sa NDFP sa pagkatawan sa negosasyon sa GRP
December 01, 2023

Ipinaabot ng Christians for National Liberation (CNL) at Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma) ang kanilang suporta sa Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pagpirma nito sa Oslo Joint Statement katapat ang mga upisyal na sugo ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas noong Nobyembre 23 sa Oslo, Norway. Ang CNL […]

Smartmatic, ipinagbawal nang gamitin sa susunod na mga eleksyon
November 30, 2023

Inianunsyo kahapon, Nobyembre 29, ng Commission on Elections (Comelec) ang isang resolusyon na nagdiskwalipika sa kumpanyang Smartmatic na lumahok sa bidding (aplikasyon sa kontrata) para sa mga vote counting machine o VCM na gagamitin sa eleksyong 2025 at susunod pang mga eleksyong pambansa at lokal. Tugon ang resolusyon sa petisyong isinampa ng grupong TNTrio para […]

Resolusyon para sa pakikipagtulungan sa ICC, inaprubahan ng 2 komite sa Kongreso
November 30, 2023

Inaprubahan kahapon, Nobyembre 29, ng mga komite sa hustisya at sa karapatang-tao ng Kongreso ang resolusyon na nagtutulak sa gubyeno ni Ferdinand Marcos Jr na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa mga krimen laban sa sangkatauhan ni Rodrido Duterte at kanyang mga kasapakat sa “gera kontra-droga.” Pinagsanib sa isang resolusyon ang […]

Kabataang Makabayan, nagraling-iglap sa kampus ng PUP
November 29, 2023

Nagsagawa ng raling-iglap ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan (KM)-Balangay Kira Mindoro sa kampus ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila ngayong araw, Nobyembre 29. Ang rali ay bahagi ng pagdiriwang ng KM sa ika-59 anibersaryo nito bukas, Nobyembre 30. Nanawagan ang balangay sa mga kapwa kabataan na sumapi sa kanilang […]

7 kontra-demolisyong aktibista at residente sa Cebu, inaresto ng pulis
November 29, 2023

Marahas na inaresto ng mga pwersa ng estado ang pitong kontra-demolisyong aktibista at residente ng Sityo Casia, Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, Cebu habang nagpuprotesta laban sa iligal na demolisyon sa 39 bahay mula pa kahapon, Nobyembre 28. Dinakip ng mga pulis ang apat na residente na sina Marjhun Amoroto, Belt Sasar, Lito Padillon at Cris […]

Pagpapatuloy ng 2 reklamasyon sa Pasay City, binatikos
November 29, 2023

Binatikos ng grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) at grupong pangkalikasan na Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) ang pagpapahintulot ni Marcos Jr na ipagpatuloy ang operasyon ng dalawang proyektong reklamasyon sa Manila Bay sa kabila ng pangako niyang “suspensyon” sa mga ito. Inianunsyo ng lokal na […]

4 na sundalo ng AFP, napatay sa engkwentro sa BHB-Bukidnon
November 29, 2023

Napatay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon sa isang engkwentro ang apat na tropa ng pinagsanib na pwersa ng 48th IB, 72nd IB at 56th IB, sa ilalim ng 1003rd IBde, sa hangganan ng Barangay Lumintao at Barangay Kipaypayon sa Quezon, Bukidnon bandang ala-6 ng gabi noong Nobyembre 24. Sampung iba pa ang nasugatan sa hanay […]

Higit 600 katao, nagprotesta sa Laguna para sa araw ng anakpawis
November 28, 2023

Sama-samang nagmartsa ang higit 600 katao mula sa mga prubinsya ng Southern Tagalog sa Crossing, Calamba City sa Laguna noong Nobyembre 27 bilang paggunita sa araw ni Andres Bonifacio at araw ng masang anakpawis. Pinangunahan ang pagkilos ng mga balangay ng Bagong Alyansang Makabayan, Anakbayan, Pamantik-KMU at Starter-Piston sa Southern Tagalog. Giit ng mga grupo, […]