Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

27 bahay ng magsasaka sa Bukidnon, dinemolis ng pulis at militar
November 01, 2023

Sa atas ng mangangamkam ng lupa, dinemolis ng mga sundalo ng 88th IB at ng lokal na pulis ang 27 kabahayan, sa P4, Barangay Guinuyuran, Valencia City, Bukidnon noong Setyembre 26. Ang 69-ektaryang lupang inaagaw ni Dr. Roperto Kisteria simula pa 2016 ay pag-aari ng 26 na magsasakang mayroong hawak na papeles. Ayon sa pamilya […]

Daan-daan, nagprotesta sa embahada ng Israel sa Metro Manila
November 01, 2023

Higit 600 ang nagprotesta sa embahada ng Israel sa Bonifacio Global City, Taguig City kahapon, Oktubre 31, para batikusin ang okupasyon, walang-tigil na pambobomba, at henosidyo ng Zionistang gubyerno ng Israel sa Gaza. Pinangunahan ang protesta ng International League of Peoples’ Struggles (ILPS) at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Sa kabila ng panggigipit at panghaharang ng […]

2 nadakip na hors de combat ng BHB, itinatago ng 203rd IBde
October 31, 2023

Dalawang hors de combat na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro ang nadakip ng 203rd IBde noong ikatlong linggo ng Oktubre. Hindi pa sila inililitaw hanggang ngayon. Sa imbestigasyon ng BHB-Mindoro, nasa kamay ng mga sundalo ang sugatang mandirigma na si Sonny Rogelio (Ka Ed) at si Sonny Sambutan (Ka Omeng). Ang dalawa ay […]

Pagtatakas ng 2 makina ng kumpanyang Technol Eight, binatikos ng unyon
October 30, 2023

Binatikos ng mga manggagawa ng Technol Eight Philippines at ng unyon nitong Technol Eight Philippines Workers’ Union (TEPWU) ang pagtatakas ng kumpanya ng dalawang makina mula sa pagawaan nito sa Biñan, Laguna noong Oktubre 31. Anang unyon, nasa 20 manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil dito. Sinubukan pa umanong harangin ng mga manggagawa ang pagtatakas […]

Pagbuwag sa protestang kontra-mina sa Palawan, kinundena
October 30, 2023

Kinundena ng mga grupong maka-kalikasan ang pagbuwag sa protesta ng mga grupong kontra-mina sa Barangay Maasin, Brooke’s Point sa Palawan laban sa operasyon ng Ipilan Nickel Corporation (INC) noong Oktubre 25. Nananawagan ang mga nagpuprotesta na kagyat na itigil ang pagmimina at tuluyan na itong isara. Hinaing ng mga grupo, labag ang mga operasyon ng […]

Walang pakundangang pamamaslang ng Israel sa mga mamamahayag sa Gaza, kinundena
October 29, 2023

Naglabas ng pinag-isahang pahayag ang pitong grupo ng mamamahayag sa Southeast Asia para kundenahin ang walang pakundangang pamamaslang sa mga mamamahayag at iba pang sibilyan. “Itinuturing namin itong pundamental na paglabag sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas,” pahayag ng mga organisasyon noong Oktubre 27. Nakiisa rin sila sa lahat ng mga mamamahayag at […]

"Health workers run," inilunsad para sa dagdag-sweldo
October 29, 2023

Nagsama-sama ang mga manggagawang pangkalusugan sa inilunsad na “Health Workers Run for Salary Increase” sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City noong Oktubre 26 para ipamalas ang kanilang pagkakaisa sa panawagang dagdag-sweldo. Sa aktibidad na ito, sama-samang tumakbo ang mga manggagawang pangkalusugan sa palibot ng naturang parke. “Sa harap ng sumisirit na presyo ng mga […]

Mga rider ng Grab, nagprotesta
October 29, 2023

Daan-daang rider o mga tagadeliber ng kumpanyang Grab ang nagprotesta sa Quezon City noong Oktubre 25 para batikusin ang hindi makatarungang pagkakaltas ng ₱10 na kita nila kada deliberi. Dahil sa kaltas, ang dating ₱45 na minimum na kita nila kada deliberi ay magiging ₱35 na lamang. Kinundena rin ng grupo, sa pangunguna ng National […]

Hustisya para sa pagkamatay ng isang estudyante ng Rizal Technological University, ipinanawagan
October 29, 2023

Nagsama-sama ang mga estudyante ng Rizal Technological University (RTU) sa kampus nito sa Mandaluyong City noong Oktubre 27 para magtirik ng kandila at manawagan ng hustisya sa pagkamatay ng estudyante sa grade 7 na si Yuwan Lorenzo Magdato. Si Magdato, 12 taong gulang, ay nagpatiwakal noong Oktubre 19 dahil sa isyu sa kanyang pag-aaral. Sa […]

Mamamayang Moro, nagrali sa Maynila at mga syudad sa Mindanao para sa Palestine
October 29, 2023

Nagtipon ang ilandaang Moro sa Luneta Grandstand sa Maynila noong Oktubre 26 para ipahayag ang kanilang suporta sa mamamayang Palestino at tutulan ang nagaganap na henosidyo ng Israel sa Gaza. Ang protestang ito ay bahagi ng serye ng mga pagkilos na isinagawa ng mga Moro sa Marawi, South Cotabato, Tawi-tawi at Sulu. Sa South Cotabato, […]