Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Panggigipit sa manggagawang Korean, tumitindi
June 29, 2023

Nakiisa ang mga manggagawang Pilipino sa manggagawang Koreano sa kanilang laban sa tumitinding panunupil ng estadong Korean at di makataong kundisyon sa paggawa sa South Korea. Nakiisa sila, kasama ang International League of People’s Struggles, sa Korean Construction Workers Union (KCWU) at sa Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) sa pakikibaka ng mga ito sa […]

Isang tropa ng 24th IB, napatay sa opensiba ng BHB-Abra
June 28, 2023

Napatay sa opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra ang isang elemento ng 24th IB noong Hunyo 27 sa Sityo Mangmangga, Barangay Naguillan, Sallapadan, Abra. Ayon sa BHB, naglulunsad noon ang mga sundalo ng nakapokus na operasyong kombat sa naturang lugar. “Ang aksyong militar na ito ng BHB ay magsisilbing parusa sa mersenaryo ng Armed Forces […]

2 tagapagtanggol ng karapatang-tao sa Southern Tagalog, kinasuhan ng "terorismo"
June 27, 2023

Sinampahan ng 59th IB ng paglabag sa Anti-Terrorism Law ang dalawang tagapagtanggol ng karapatang-tao sa Southern Tagalog (ST), ayon sa ulat ng Karapatan-ST noong Hunyo 26. Natanggap ng grupo ang reklamo laban kina Anakbayan Southern Tagalog Regional Coordinator Ken Rementilla at Mothers and Children for the Protection of Human Rights (MCPHR) Secretary-General Jasmin Rubia kaugnay […]

Dagdag-sahod, pagtatanggol sa karapatan, sigaw ng LGBT+
June 26, 2023

Kasabay ng protestang pride o pagtatampok sa karapatan ng mga LGBT+ (lesbyana, bakla, bisekswal at transgender) noong Hunyo 24, itinampok ng grupong Bahaghari ang panawagan para sa dagdag-sahod, pagsuporta sa panukalang SOGIE, pambansang soberanya at karapatang-tao. Ayon sa grupo, sila ay nagsusulong ng ‘ACCLASan’ (sanib ng mga salitang “accla” na ibig sabihin ay bakla at […]

Pinakamurang bigas sa Metro Manila, ₱40/kilo na
June 26, 2023

Matapos ang isang taon sa panunungkulan ni Ferdinand Marcos Jr bilang presidente ng bansa at kalihim ng Department of Agriculture, wala pa ring katuparan ang pangakong magiging ₱20 kada kilo ang bigas. Sa halip, tumaas pa kamakailan ang pinakamurang klase ng bigas mula ₱38/kilo tungong ₱40/kilo. Ito ay ayon sa pagsubaybay ng grupong Bantay Bigas […]

Reklamo sa mabaho, di makaing alawans na bigas, inihapag ng mga guro
June 26, 2023

Nakipagdayalogo noong Hunyo 21 ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamunuan ng National Food Authority (NFA) hinggil sa mabaho at di makaing bigas na ipinamahagi sa mga guro bilang One Time Rice Assistance (OTRA). Partikular na inihayag grupo ang mga reklamo kaugnay ng pamimigay ng OTRA, na liban sa atrasado, may amoy at may […]

Busabos na kalagayan ng mga marino, binatikos
June 26, 2023

Ginunita kahapon ang International Day of Seafarers sa iba’t ibang panig ng mundo na nagtuon ng pansin sa labis na busabos na kalagayan ng mga marino o mga manggagawa sa mga barko at dagat. “Nanggagaling sa pinakamahihirap na bansa ang mga seafarer,” ayon sa grupong Migrante, sa isang pahayag ng pakikiisa. “Tumatanggap sila ng mabababang […]

Fluvial protest kontra reklamasyon, inilunsad sa Bacolod City
June 26, 2023

Naglunsad kahapon ng fluvial protest o protesta sa karagatan ang mga mangingisda at maralitang tutol sa nakatakdang 1,018-ektaryang proyektong reklamasyon sa Bacolod City. Pinangunahan ang pagkilos ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (Pamalakaya)-Negros, Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-Negros at Bacolod Against Reclamation Movement (BARM). Ang mga nakiisa sa protesta ay mula sa mga barangay ng […]

Tagapangulo ng samahang magsasaka sa Negros Occidental, inaresto
June 26, 2023

Inaresto ng mga pwersa ng estado ang lider-magsasakang si Susan Medes, tagapangulo ng Baklayan, Bito, Cabagal Farmers Association (BABICAFA), sa Repullo St, Barangay 2, Kabankalan City, Negros Occidental noong Hunyo 25. Si Medes ay residente ng Sityo Bito, Barangay Buenavista, Himamaylan City. Pangalawang bigwas ito ng mga armadong tauhan ng rehimeng Marcos laban sa naturang […]

Lider-katutubo ng Cordillera, nagsampa ng kaso kontra PNP
June 25, 2023

Nagsampa ng kaso si Windel Bolinget, tagapangulo ng Cordillera Peoples Alliance (CPA), kasama ang iba pang mga kasapi ng organisasyon laban sa mga upisyal ng Philippine National Police (PNP) noong Hunyo 23 sa La Trinidad Municipal Court. Isinampa niya ang kontra-asunto kaugnay ng mga gawa-gawang kaso laban sa kanya at iba pa noong 2020 sa […]