Archive of AB Dailies

Magsasaka, pinatay ng militar sa Himamaylan City
August 13, 2022

Iniulat ngayong araw ng alternatibong dyaryo na nakabase sa Negros na isang magsasaka ang pinatay ng mga sundalo ng 94th IB sa Barangay Buenavista, Himamaylan City noong Agosto 8. Sa ulat, hindi pa nakukumpirma ang identidad ng biktima. Pinatay siya ng mga sundalong nagsasagawa ng operasyong kombat sa lugar. Noong Agosto 10, binulabog at sapilitang […]

Dalawang bagong unyon ng mga guro, itinayo sa NCR
August 12, 2022

Inianunsyo ng panrehiyong balangay ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa National Capital Region (NCR) ang pagtatatag ng dalawang unyon ng mga guro sa Pasig City at Paranaque City. Ipinaskil ang anunsyo sa Facebook page ng ACT NCR. Ang ACT ay isang progresibong organisasyon ng mga guro na binuo noong Hunyo 26, 1982 para pagbuklurin […]

Writ of Amparo, inihain ng mga kapamilya ng dinukot na mga aktibista
August 12, 2022

Naghain ng petisyon para sa Writ of Amparo sa Korte Suprema ang mga kapamilya ng dinukot na mga aktibista at organisador na sina Elizabeth ‘Loi’ Magbanua, Alipio ‘Ador’ Juat, Elgene Mungcal, at Ma. Elena ‘Cha’ Cortez Pampoza noong Agosto 10. Kasabay nito, nagpiket ang mga progresibong grupo sa harapan ng korte sa Padre Faura sa […]

Danyos para sa mga biktima ni Marcos Sr, ibigay na!
August 12, 2022

Nagtungo kahapon, Agosto 11, ang mga biktima ng batas militar ng diktadurang US-Marcos I sa Kongreso para samahan ang mga progresibong mambabatas ng blokeng Makabayan sa paghahain ng panukala para sa reparasyon o pagbabayad ng danyos sa mga biktima ng batas militar. Muli nilang inihain ang House Bill No. 3505 na naglalayong kilalanin at bigyan ng […]

Pagpapakalas sa mga lokal na unyon mula sa Courage, bahagi ng pakanang militar
August 12, 2022

Binatikos ng Courage ang pangreredtag na ginawa ng 4th ID at NTF-ELCAC sa Region 10 sa press conference na ipinatawag nito noong Agosto 10 sa Cagayan de Oro City. Bahagi ng press conference ang pag-anunsyo ng “pagkalas” ng unyon ng mga kawani sa Department of Agrarian Reform Employees Association (DAREA-Cagayan de Oro Chapter) mula sa […]

1.3 milyong pamilya, inilaglag sa 4Ps
August 12, 2022

Balak isalang ng mga mambabatas sa isang pagdinig ang pagtanggal ng kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Erwin Tulfo sa 1.3 milyon hanggang 2 milyong pamilyang Pilipino mula sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program). Kinukwestyon ng mga mambabatas ang katwiran ni Tulfo na “gumradweyt” na […]

Panagutin ang DepEd at DBM sa anomalya sa laptop, sigaw ng mga guro
August 12, 2022

Nagpiket ang mga gurong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa harapan ng pambansang upisina ng Department of Budget and Management sa Manila kahapon, Agosto 11. Sinisingil nila at pinapapanagot ang Department of Education at DBM sa anomalya sa ₱2.4 bilyong pondo ng ahensya. Ginastos ang ₱2.4 bilyong pondo para sa pagbili ng mga […]

Mga bilanggong pulitikal sa Southern Tagalog, ginigipit
August 12, 2022

Dumaranas ng malupit na pagtrato ang mga bilanggong pulitikal na nakapiit sa Pagbilao District Jail – BJMP. Ito ang ibinunyag ng mga grupong nagtatanggol sa karapatang-tao sa Southern Tagalog (ST) sa isang pahayag na inilabas noong Agosto 8. Kinundena ng Karapatan-ST ang ginigipit sa loob ng kulungan kina Ernesto Lorenzo, Renante De Leon, Carlo Reduta, […]

1.3 milyong pamilya, inilaglag sa 4Ps
August 12, 2022

Balak isalang ng mga mambabatas sa isang pagdinig ang pagtanggal ng kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Erwin Tulfo sa 1.3 milyon hanggang 2 milyong pamilyang Pilipino mula sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program). Kinukwestyon ng mga mambabatas ang katwiran ni Tulfo na “gumradweyt” na […]

Kasong panunuhol laban kay Sen. de Lima, ibinasura ng Ombudsman
August 11, 2022

Isinapubliko ng upisina ng Ombudsman kahapon, Agosto 10, ang resolusyong nagbabasura sa kasong panunuhol laban kay dating Sen. Leila de Lima at kanyang badigard na si Ronnie Dayan. Ang resolusyon ay nabuo noon pang Enero 5 pero ipinaalam sa upisina ng senador noon lamang Agosto 8. Ibinasura ng Ombudsman ang kaso dahil sa “malalaking di pagkakatugma” […]