Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Eleksyong 2022, pinakamalala sa kasaysayan
May 13, 2022

Binansagan ng grupong Kontra Daya na “pinakamalala sa kasaysayan” ang katatapos lamang na eleksyon dulot ng napakaraming aberya sa araw ng botohan at sa tuluy-tuloy na paglaganap ng disimpormasyon sa panahon ng kampanya. Sa taya ng grupo, umaabot sa 1.1 milyong boto ang nawalan ng saysay dulot ng aberya sa halos 2,000 vote counting machine […]

Patutsada ni Gen. Esperon, binweltahan ng kabataang mag-aaral
May 12, 2022

Binweltahan ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ang patutsada at paratang ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na ang mga akademikong walkout o pagliban sa klase na ipinanawagan ng mga konseho ng mag-aaral ay magbibigay-daan sa rekrutment ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa hanay ng mga estudyante. Ayon kay Jandeil Roperos, pambansang […]

Bulok at palpak ang dekompyuter na botohan, ayon sa Kontra Daya
May 12, 2022

Iniulat ng grupong Kontra Daya at Vote Report PH kahapon, Mayo 11, na patuloy pa rin silang nakatatanggap at nagbeberipika ng mga ulat kaugnay sa mga insidente ng anomalya at problema sa isinagawang eleksyon noong Mayo 9. Sa kanilang tala, umaabot na sa 1,370 ang kumpirmadong ulat sa kabuuang higit 4,000 ulat na kanilang natanggap. […]

Kabataan, mga demokratikong grupo, lumabas sa lansangan laban sa dayaan
May 11, 2022

Libu-libong tao, karamihan kabataan, ang nagtungo sa lansangan simula pa kahapon, Mayo 10, para tutulan at itakwil ang maanomalya at palpak na botohan na sa panimulang pagbibilangan ay nagpapakita na pinangungunahan ni Ferdinand Marcos Jr. sa pagkapangulo, at Sara Duterte sa pagkabise-presidente. Iginiit nila na dinaya ang eleksyong nagpapalabas na “landslide” ang tambalang Marcos-Duterte kontra sa […]

Mga maton ng mga pulitiko sa Surigao del Sur, nanakot at nanggulo noong Mayo 9
May 11, 2022

Iniulat ngayong araw, Mayo 11, ang samutsaring pananakot at panggugulo ng mga armadong maton ng pulitiko sa iba’t ibang bahagi ng Surigao del Sur noong panahon ng botohan. Ang mga insidente ay iniulat sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan ng mga residente mula sa mga bayan ng Carmen, Cantillan, Lanuza, Bayabas at Madrid. Mariing […]

#2mindig para sa kalayaan sa pamamahayag
May 06, 2022

Nagtipon ang iba’t ibang mga grupo ng mga mamamahayag at tagasuporta nila sa Boy Scout Circle, Quezon City kahapon ng gabi, Mayo 5, bilang paggunita sa ikalawang taon ng pagkait sa prangkisa ng ABS-CBN sa desisyon ng kongreso at basbas ni Duterte. Nagtirik ng kandila, nagbahagi ng mga karanasan at talumpati ng pakikiisa ang mga […]

Tita Marie ng Karapatan, binigyan ng pinakamataas na parangal
May 05, 2022

Binigyan kahapon, Mayo 4, ng pinakamataas na parangal ng mga demokratikong organisasyon. mga grupong nagtatanggol sa karapatang-tao at progresibong mamamayan si Amarylis Hilao-Enriquez, kilala ng laksa-laksang mga aktbista bilang Tita Marie. Isinagawa ang pagpaparangal sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City. Pumanaw si Enriquez dulot ng matagal na pagkakasakit noong Abril 24 sa piling […]

Prangkisa ng SMNI, ipinatatanggal
May 05, 2022

Isang kasong administratibo ang isinampa kahapon, Mayo 4, sa National Telecommunications Commission laban sa SMNI News kaugnay ng pagbrodkas nito ng isang panayam sa hinatulang mamamatay-tao na si Gen. Jovito Palparan. Nagtungo sa NTC sina Concepcion Empeño at Erlinda Cadapan, mga ina ng mga biktima ni Palaparan na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, para isampa […]

Mga inaasahan kaugnay ng Mayo 9 eleksyon
May 04, 2022

Ilang araw na lamang ang natitira, at nakatuon ang atensyon ng mamamayang Pilipino sa eleksyon sa pagkapangulo sa Mayo 9. Para magbigay ng kalinawan sa sagunson ng mga pangyayari at maigting na labanan sa propaganda, kinapanayam ng Ang Bayan si Marco Valbuena, ang punong upisyal sa impormasyon ng PKP para magbigay ng pagsusuri sa sitwasyon […]

Mga ginalauman kaangut sa Mayo 9 nga eleksyon
May 04, 2022

Pila ka adlaw na lang ang nabilin, kag nakatum-ok ang atensyon sang pumuluyong Pilipino sa eleksyon sa pagka-pangulo sa Mayo 9. Agud maghatag sang kaathagan sa sagunson nga mga hitabo kag masingki nga inaway sa propaganda, gin-interbyu sang Ang Bayan si Marco L. Valbuena, ang nagapamuno nga upisyal sa impormasyon sang PKP agud maghatag sang […]