Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Daang residente sa Camarines Sur tumakas sa panganganyon
January 01, 2022

  Napilitang lisanin ng nasa 100 residente ang kanilang mga bahay at sakahan sa Sityo Campo Nueve sa Barangay Del Carmen, Lagonoy, Camarines Sur matapos ang panganganyon ng 9th Infantry Division (ID) noong Disyembre 28 at 29, 2021. Ayon kay Ka Maria Roja Banua, tagapagsalita ng National Democratic Front-Bicol, tinarget ang naturang sityo matapos magtamo […]

Mga bakunang halos paso na ang ipinamimigay ng mga kapitalistang bansa sa atrasadong mga bansa
January 01, 2022

Mga bakunang malapit nang mapaso ang ipinamimigay ng mga kapitalistang bansa sa atrasadong mga bansa tulad ng Pilipinas. Ito ang nalantad matapos ulanin ng puna ang US, UK at iba pang malalaking kapitalistang bansa sa pagsusubi ng milyun-milyong dosis na nagresulta sa tagibang na distribusyon ng bakuna. Binabatikos din ang pagtanggi ng mga ito na […]

Ang Bayan Dailies | December 2021
January 01, 2022

    Download: HTML version PDF

Elon Musk, pinakayamang parasitiko sa mundo
January 01, 2022

  Simula Setyembre ngayong taon, tuluyan nang inungusan ni Elon Musk, may-ari ng kumpanyang Tesla, si Jeff Bezos, may-ari ng Amazon, bilang pinakamayamang indibidwal sa mundo. Noong Oktubre 25, tumaas ang kanyang halaga nang $25.6 bilyon sa loob lamang ng isang araw matapos ibalita ang plano ng kumpanyang Hertz na bumili ng 100,000 sasakyang gawang […]

Sunud-sunod na pambobomba ng Turkey sa Rojava
January 01, 2022

  Umiigting ang brutal at interbensyunistang agresyon ng armadong pwersa ng Turkey sa mga hangganan nito at ng hilagang-silangang Syria (sa rehiyon ng Rojava) na pinangangasiwaan ng Kurdish Democratic Union Party (PYD). Sa nakalipas na dalawang linggo, nagsagawa ang Turkey ng dalawang serye walang patumanggang panganganyon at pambobomba sa prubinsya ng Hasakah kahapon at noong […]

“Pinoys for Hire” pinagtibay sa bagong ahensya
January 01, 2022

Natupad ang balak ni Rodrigo Duterte na magbuo ng hiwalay na departamento para sa mga migranteng manggagawang Pilipino matapos niyang pirmahan kahapon ang Republic Act 11641. Binubuo nito ang Department of Migrant Workers (DMW) kung saan titipunin sa isang bubong ang pitong ahensya ng gubyerno na nangangasiwa sa pag-eeksport ng mga overseas Filipino workers (OFW). […]

Masaker sa 35 sibilyan at mga krimen laban sa sangkatauhan, isinasagawa ng hunta militar ng Myanmar
December 30, 2021

Di bababa sa 35 sibilyan, kabilang ang apat na bata, ang minasaker ng mga sundalo ng Tatmadaw o militar ng Myanmar noong Disyembre 24 sa isang haywey sa bayan ng Hrupso sa Kayah, isang awtonomos na rehiyon na matatagpuan sa Eastern Myanmar. Dalawa sa mga biktima ay istap ng grupong Save The Children na pauwi […]

Pondo para sa pangakong bonus sa mga kawani ng gubyerno, tiyakin
December 30, 2021

Itinuturing ng mga kawani ng gubyerno na magandang balita ang pinirmahang kautusan ni Rodrigo Duterte noong Disyembre na nagbibigay ng service recognition incentive o SRI sa mga regular, kontraktwal at kaswal na kawani ng gubyerno. Gayunpaman, nananawagan sila sa rehimen na tiyakin na may sapat na pondo ang mga ahensya ng gubyerno para rito. “Manggagaling […]

Mga biktima ng Odette sa Negros, pinupwersa ng mga sundalo na unahing kumpunihin ang detatsment
December 29, 2021

Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan-Central Negros noong Disyembre 28 ang pananakot at pamimilit ng mga elemento ng 62nd IB sa mga nasalantang residente ng Guihulngan, Negros Oriental na unahin ang pagkumpuni ng detatsment ng militar na napinsala ng bagyong Odette. “Binabalewala ng AFP ang kalagayan ng mga masa na siyang dapat na unahin,” ayon kay […]

Kinutlo nga mga pulong gikan sa pamahayag sa Komite Sentral sa PKP sa ika-53 anibersaryo sa Partido
December 29, 2021

DOWNLOAD PDF: Pilipino | Iloco | Hiligaynon | Bisaya Pasiuna ug sumada: Uban ang proletaryado ug katawhang Pilipino, malipayon ug adunay militansyang gisaulog karong adlawa sa Partido Komunista ng Pilipinas ang ika-53 anibersaryo sa pagkatukod niini. Ginaparangalan nato karong adlawa ang tanang bayani ug martir sa rebolusyong Pilipino kansang misakripisyo sa ilang kinabuhi aron makab-ot […]