Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Sibilyan at hindi mandirigma ang "pinasuko" sa Negros Oriental
August 20, 2023

Pinasubalian ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southeast Negros ang sinasabing pagsuko ng isang mandirigma nito sa Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) kamakailan. Sa pahayag noong Agosto 17, inilinaw ni Ka Estrella Banagbanag, tagapagsalita ng yunit ng BHB, na ang 37-anyos na si Rene Potane Janayan na sinasabing sumuko ay hindi kasapi ng BHB. Si Janayan, […]

Pagtitipon ng mga lider-estudyante ng UP sa Mindanao, ginipit ng mga pulis
August 19, 2023

Hinarang ng mga pulis ang mga lider-estudyante mula sa iba’t ibang kampus ng University of the Philippines (UP) na delegado sa ika-55 General Assembly of Student Councils (GASC) na ginaganap sa Davao City ngayong taon. Nakatakda silang maglunsad ng kilos protesta sa Freedom Park sa syudad noong Agosto 16 nang harangin at gipitin sila ng […]

Matandang magsasaka sa Himamaylan City, inaresto sa gawa-gawang kaso
August 18, 2023

Inaresto noong Agosto 7 ang magsasakang si Romeo Balsimo sa Sityo Cunalom, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental sa paratang na sangkot siya sa isang armadong aksyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros noong 2020. Si Balsimo ay mahigit 60 taong gulang na. Kasapi siya ng Farmers’ Association of Barangay Carabalan-Cunalom Chapter (FABCA-Cunalom). Pinalalabas […]

4 na pistola, nakumpiska ng BHB sa operasyong dis-arma
August 17, 2023

Nakumpiska ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang apat na pistola mula sa ahente ng militar na si Pen-pen Fajardo sa Sityo Mora, Barangay Pinukawan, Vallehermoso, Negros Oriental noong Agosto 13. Lantaran ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ni Fajardo sa mga sundalo. Kilala siya sa pagiging abusado at panggigipit sa mga residente. May […]

Ahenteng militar sa likod ng 8 EJK sa Negros, inambus
August 17, 2023

Nakamtan ng mga kaanak ng walong sibilyan at hors de combat ang paunang hustisya sa pag-ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros sa aktibong ahenteng militar. Inambus ng isang yunit ng BHB si Jomarie Benitez sa Sityo Inarawis, Barangay Quinten Remo, Moises Padilla, Negros Occidental nitong Agosto 5. Ayon kay Ka JB Regalado, tagapagsalita ng […]

Mga elemento ng CAFGU at vigilante, tinambangan ng BHB-Masbate
August 16, 2023

Nasugatan ang mga elemento ng CAFGU at kasama nilang mga vigilante na ahente ng militar sa ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate sa Barangay Bonifacio, Uson, Masbate noong Agosto 9. Sakay ang mga ito ng isang pick-up truck nang pasabugan ng mga Pulang mandirigma ang kanilang sinasakyan. Pinatamaan ng BHB ang kasapi ng ALSA MASA […]

Pandarahas ng mga sundalo sa mga magsasaka sa Masbate, walang awat
August 16, 2023

Magkakasunod na kaso ng karahasan at paglabag sa karapatang-tao ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naitala sa mga bayan ng Mobo at Uson sa Masbate mula Agosto 5 hanggang Agosto 6. Hindi alintana ng AFP na ginugunita ngayong Agosto ang International Humanitarian Law. Dagdag ang mga kaso ng karahasang ito […]

Importasyon ng bigas, di magpapababa ng presyo
August 16, 2023

Tulad sa nakaraan, hindi ibababa ng importasyon ang presyo ng bigas sa Pilipinas. “Sa apat na taon ng Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law, bigo itong mapababa ang presyo ng bigas sa ₱25 kada kilo,” ayon sa grupong Bantay Bigas. “Lalong malayo ang ipinangako ni Marcos Jr. na ₱20 kada kilo.” Katunayan, tumaas nang […]

Hedkwaters ng 2nd IB sa Masbate, pinaalis ng mga residente
August 16, 2023

Pinalayas ng mga residente ng Sityo Baclay, Barangay Bacolod, Milagros sa Masbate ang himpilan ng mga sundalo ng 2nd IB na nakatayo sa naturang sityo matapos magreklamo ang mga residente laban dito. Ipinaabot nila ang kanilang disgusto sa pamamagitan ng pagtitipon para ipetisyon ang pagpapalayas sa kampo militar. Anila, wala itong idinulot sa kanila kundi […]

4 na malalaking unyon, nakawelga sa Los Angeles City sa US
August 15, 2023

Apat na malalaking unyon ang nakawelga sa Los Angeles City, California sa US nitong Agosto. Pinakahuling nagtirik ng welga noong Agosto 8 ang unyong kumakatawan sa mga kawani ng syudad na kasalukuyang nakikipagnegosasyon para sa bagong CBA (collective bargaining agreement). Kasapi ng unyon na ito ang mga manggagawa sa sanitasyon, traffic enforcer, gardener, mekaniko, lifeguard, […]