Balita

Pamilya ng pinaslang na magsasaka ng 2nd IB, naghain ng reklamo sa CHR

,

Katuwang ang mga myembro ng Karapatan, hustisya at Tanggol Magsasaka, naghain ng reklamo si Lolita Abril sa Commission on Human Rights nppmg Nobyembre 7 para itulak nag ahensya na maglunsad ng imbestigasyon hinggil sa pagkapaslang ng kanyang asawa na si Ronel Abril.

Matatandaang pinaslang noong Setyembre 26 si Ronel Abril, kasama si Roger Clores, parehong magsasaka, sa barangay Simawa, Uson, Masbate. Pinalabas ng mga elemento ng 2nd IB na nga myembro ng Bagong Hukbong Bayan ang mga biktima at namatay sa engkwentro. Pinasinungalingan ito ng mga kaanak at kababaryo at sinabing walang nangyaring engkwentro sa lugar sa panahon na iyon.

AB: Pamilya ng pinaslang na magsasaka ng 2nd IB, naghain ng reklamo sa CHR