Balita

Pilipinas, pinakamapanganib pa rin na lugar sa Asia para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan

,

Sa nakaraang taon, nagtala ang grupong Global Witness ng 19 atake ng mga tagapagtanggol ng kalikasan at lupa sa Pilpinas. Bagamat mas mababa ito kumpara sa 30 kaso ng pagpaslang at pagdukot noong nakaraang taon, nananatiling pang-apat sa buong mundo, at una sa Asia, ang bansa sa listahan ng pinakamapanganib na lugar para sa mga aktibistang pangkalikasan. Sa nakaraang walong taon, nasa pangalawang pwesto ang Pilipinas sa buong mundo.

Mula 2010 hanggang 2021, 270 nang mga tagapagtanggol ng kalikasan sa Pilipinas ang pinatay ng mga pwersa ng estado, ayon sa ulat. May kaugnayan ang 3/4 o 216 sa mga ito sa mga paglaban sa mga kumpanya. Ang 108 na mga biktima ay myembro ng mga katutubong komunidad at 87 sa kanila ay mula sa Mindanao. Noong 2021, anim sa 19 na pinaslang ay kaugnay ng paglaban nila sa pagmimina.

Sa buong mundo, pinakamarami ang napatay sa Mexico (54), Colombia (33) at Brazil (26). Ayon sa Global Witness, tatlong tagapagtanggol ng kalikasan ang pinatay kada linggo sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Anito, tiyak na mas malaki ang aktwal na bilang ng mga biktima lalupa’t marami sa mga bansang may pinakamararahas na estado ay sikil rin ang kalayaan sa pamamahayag at daloy ng impormasyon.

Sa Pilipinas, sumusunod ang iniulat na mga biktima:

  • Abner Esto
  • Ana Marie Lemita-Evangelista
  • Angel Rivas
  • Antonio “Cano” Arellano
  • Ariel Evangelista
  • Edward Esto
  • Emanuel Asuncion
  • John Heredia
  • Joseph Canlas
  • Juan Macababbad
  • Julie Catamin
  • Lenie Rivas
  • Mark Lee Bacasno
  • Melvin Dasigao
  • Puroy Dela Cruz
  • Randy Dela Cruz
  • Romeo Loyola Torres
  • Steve Abua
  • Willy Rodriguez
AB: Pilipinas, pinakamapanganib pa rin na lugar sa Asia para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan