Iniulat nitong Agosto ng Bagong Hukbong Bayan-Bukidnon ang resulta ng engkwentro ng isang yunit nito at mga elemento ng 8th IB sa Sityo Tubigon, Barangay Busdi, Malaybalay City, Bukidnon noong Hulyo 1. Nagresulta ang naturang engkwentro sa pagkamatay ng hindi bababa sa pitong sundalo ng 8th IB. Dahil sa pinsalang dinanas ng 8th IB, nagpaputok […]
Tuluyan nang pinatay ng Senado ang paglilitis kay bise presidente Sara Duterte sa mga artikulo ng impeachment na kinahaharap niya dahil sa katiwalian at korapsyon. Noong Agosto 6, bumoto ang 19 na senador para i-“arkibo” ang kaso bilang pagsunod umano sa desisyon na inilabas ng Korte Suprema noong Hulyo 25. Sa desisyon ng korte, idineklara […]
Ilang araw bago ang ika-apat na State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr, ipinatawag siya ni Donald Trump, presidente ng US, para sa “negosasyon” noong Hulyo 20-22 hinggil sa laki ng taripa sa mga produkto mula sa Pilipinas at iba pang konsesyon sa ekonomya at militar. Tulad ng tapat na tagasunod, inalay ni […]
Taliwas sa binanggit ni Ferdinand Marcos Jr sa kanyang ika-4 na SONA na “tahimik” at “mapayapa” na ang Pilipinas at na “wala nang grupong gerilya” sa bansa, walang awat ang mga pambobomba, pamamaslang at panggigipit ng mga pwersa ng militar at pulis sa mga sibilyang komunidad at lumalabang mamamayan sa tabing ng kampanyang kontra-insurhensya. Pambobomba. […]
Sa tulak ng mga organisasyong Pilipino, nailunsad ang magkahiwalay na imbestigasyon sa kalagayan ng mga migranteng Pilipino sa The Netherlands at South Korea. Noong Agosto 1, naglunsad ng imbestigasyon ang Ministry of Employment and Labor ng South Korea kaugnay sa reklamong hindi pagpapasahod sa 91 Pilipinong manggagawa sa sakahan ng Yanggu, Gangwon Province. Pumasok ang […]
Ang prubinsya ng Cavite ang isa sa mga nasalanta ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Crising at habagat. Noong Hulyo 22, idineklara ang state of calamity sa buong prubinsya. Hindi bababa sa siyam na bayan at munisipalidad ng prubinsya ang nalubog sa baha. Sa Bacoor, 43 ng 47 na barangay ang naitalang […]
Download
Noong Hulyo 19, pinagtibay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang resolusyon para itigil ang pag-dekomisyon o pagtatanggal sa 14,000 mandirigma mula sa armadong grupo nitong Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) at pagsasalong sa 2,450 nilang armas. Alinsunod sa resolusyon, mananatili ang desisyon hanggang hindi naipatutupad ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) ang maraming […]
Ang Pilipinas ang isa sa 17 bansa sa mundo na may masaklaw at ekstra-ordinaryong kalikasan at saribuhay. Mayroon itong 52,177 uri ng halaman at hayop, halos kalahati ay sa bansa lamang makikita. Sa kabilang banda, ang Pilipinas din ang may pinakamabilis na pagkasira ng kalikasan at pagkawala ng nanganganib na mga uri ng hayop at […]