7 sundalo ng 8th IB, napatay sa engkwentro sa BHB-Bukidnon
Iniulat nitong Agosto ng Bagong Hukbong Bayan-Bukidnon ang resulta ng engkwentro ng isang yunit nito at mga elemento ng 8th IB sa Sityo Tubigon, Barangay Busdi, Malaybalay City, Bukidnon noong Hulyo 1. Nagresulta ang naturang engkwentro sa pagkamatay ng hindi bababa sa pitong sundalo ng 8th IB.
Dahil sa pinsalang dinanas ng 8th IB, nagpaputok ng kanyon ang yunit militar noong Hulyo 1 at Hulyo 2 bilang ganti sa masang sumusuporta sa hukbo. Walang yunit ng BHB-Bukidnon ang natamaan ngunit nagdulot ito ng takot sa mga komunidad ng mga magsasaka at Lumad sa lugar.
Apat na bala ng kanyon ang unang pinaputok noong alas-12:30 ng hapon ng Hulyo 1.
Kinabukasan, muling nagpasabog ng apat na bala ng kanyon ang AFP noong alas-3 ng madaling araw. Nasa kalagitnaan ng pagpapahinga ang mga sibilyang populasyon nang nagpasabog ng kanyon ang mga berdugo.