Sa harap ng tumitinding krisis sa ekonomya at malawakang pagwasak sa kabuhayan ng masang anakpawis, patuloy na tumitindig ang mga manggagawa at maralitang-lunsod. Lumalaban sila sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga piket, welga, tigil-pasada at barikadang bayan. Welga sa Kawasaki. Nagwelga ang 140 manggagawa ng Kawasaki Motors Phils. Corporation (KMPC) sa pangunguna ng Kawasaki United […]
Ilang araw bago at pagkatapos ng reaksyunaryong eleksyon noong Mayo 12, nagsagawa ng operasyon pinta-operasyon dikit (OP-OD) ang iba’t ibang organisasyong alyado ng National Democratic Front (NDF) para ilantad ang kabulukan nito. Pangunahing mensahe sa mga OP-OD ang pagtatampok na ang rebolusyon ang tunay na solusyon na siyang maghahatid ng tunay pagbabagong panlipunan sa bansa, […]
Dalawang sibilyan sa Negros ang naiulat na namatay dahil sa panliligalig ng militar sa kanilang mga komunidad noong Mayo. Samantala, tuluy-tuloy ang pang-aabuso ng mga sundalo sa Albay, Masbate, Bohol at Metro Manila. Sa Negros Occidental, naiulat na namatay ang ginang na si Lolita Reman sa Sityo Toril, Barangay Bandila, Toboso noong Mayo 20, bunga […]
Litisin si Sara Duterte. Nagprotesta sa Senado sa Pasay City ang mga progresibong grupo noong Hunyo 3 para manawagang simulan na ang sadyang inantalang paglilitis sa kasong impeachment ni Vice President Sara Duterte. Binatikos nila ang pag-antala gamit ang maraming palusot ng Senado para simulan ito. Noong Pebrero pa naisumite ng House of Representatives […]
Mula nang muling maupo si Donald Trump bilang presidente ng US nitong Enero, walang awat ang malawakang pag-atake, panunugis, sapilitan at arbitraryong pagpapalayas o deportasyon sa mga manggagawang imigrante sa US. Mula Enero hangang Mayo ay umabot na ng lagpas 271,000 na mga imigrante ang pinadeport na administrasyon habang hindi bababa 49,184 na imigrante ang […]
Lantarang pagyurak sa soberanya ng Pilipinas ang presensya ng libu-libong sundalong Amerikano, Australian at iba pang dayuhang tropa sa teritoryo ng bansa para sa mapanulsol at malalaking war games. Mula Mayo, tatlo rito ang magkakasabay na inilulunsad ng US, isa sa pamamagitan ng katambal nitong hukbo ng Australia. Ang mga ito ay ang Kamandag (Mayo […]
Mariing binatikos ni Atty. Carlos Zarate, dating kinatawan ng Bayan Muna, ang plano ng rehimeng US-Marcos na isapribado ang Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) complex. Aniya, magdudulot lamang ito ng lalong pagmahal ng singil sa kuryente na dagdag pasanin ng mamamayang nakaasa sa serbisyo. “Ang gubyerno dapat ang may kontrol sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente. Sa […]
Nagbigay-pugay ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) kay Kasamang Basavaraju (Nambala Keshava Rao), pangkalahatang kalihim ng Communist Party of India (Maoist), na namartir kasama ang 27 iba pa noong Mayo 21. Pinatay sila ng mga pwersa ng estado ng India sa tinaguriang Masaker sa Gundekote, sa Abhujmad sa distrito ng Narayanpur sa Chhattisgarh, India. Nagniningning […]
Download
Sa unang 24 oras ng madugong kampanyang Operation Gideon’s Chariots ng US at Israel, 144 Palestino ang agad na napatay sa mga bomba at pag-atake ng tropa nito sa Gaza. Sa sumunod na mga araw, sunud-sunod na inatake ng mga pwersang Israeli ang mga bakwitan at natitirang mga ospital at paaralan para itaboy ang mga […]