Kabaha-bahala ang palihim na pagpapalaganap ng petisyong people’s initiative sa mga barangay sa Masbate. Namonitor ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan na nagsimula na ang pagpapapirma sa ilang mga bayan sa pamamagitan ng mga upisyal ng barangay sa hudyat ni Gov. Antonio T. Kho. Walang bahid ng anumang inisyatiba ang naturang people’s initiative. Ayon sa […]
Kinukundena namin ang panghaharas at kawalan ng respeto ng AFP sa pamilya ng namartir na kasama na si Ka Patrick. Kaninang ala-una ng umaga, sinugod ng 10 elemento ng MICO at 31st IBPA ang burol ni Baltazar “Ka Patrick” Hapa sa punenarya sa sentro ng Gubat, sa pamumuno ni Jordan Enconado, ahente ng 96th MICO. […]
Bagamat wala nang nakukumbinsi sa pakana ng militar, dapat paghandaan ng masang Masbatenyo ang mga desperadong hakbangin ng AFP para patindihin ang militarisasyon sa prubinsya, sang-ayon sa utos ni Marcos Jr na umano’y ganap na pagdurog sa NPA. Nabatid ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang paglilibot ng militar sa iba’t ibang sulok ng […]
Sa ilalim ng batas militar sa Masbate, ang biktima ang nagiging kriminal, at ang kriminal ang nagiging biktima. Sa resolusyon ng inutil na pamprubinsyang piskalya, lilitisin sa kasong frustrated murder ang mga biktimang sina Jamara Tumangan, Rowel Hagnaya, Alden Tumangan, Rico Cuyos at Senen Dollete na walang habas na pinagbababaril ng militar sa Barangay Balantay, […]
Pinakamatikas na Pulang saludo ang iniaaalay ng Celso Minguez Command-NPA Sorsogon at ng buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya kay Baltazar “Ka Patrick” Hapa, huwarang anak ng Sorsogon at magiting na Pulang kumander at mandirigma. Nabuwal si Ka Patrick sa gitna ng pakikipaglaban sa mga pasistang tropa ng 31st IB noong Enero 14 sa Barangay Togawe, […]
Salamat sa mahigpit na suporta ng mamamayang Masbatenyo, matagumpay na hinaras ng isang yunit ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang nag-ooperasyong tropa ng 96th sa Sityo Lantawan, Barangay Gangao, bayan ng Baleno, noong Enero 13, 2024. Matapos ang ambus, kagyat na itinago ng mga militar ang kanilang kaswalti upang pagtakpan ang kahihiyan. Ang […]
Isang nagtraydor sa masa at nagpakakasangkapan sa pasistang militar ang inabutan ng mga partisano ng NPA ngayong araw sa Barangay Manapao bayan ng Gubat. Naisagawa ng mga partisano ang parusang kamatayan laban kay Romel Hapa alyas Ian kaninang alas-12 ng madaling araw. Si Hapa ay nahatulan ng Pamprubinsyang Hukumang Bayan sa kasong pagsalong ng dalawang […]
Nakikiisa ang Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Tao sa panatang paigtingin ang digmang bayan upang tuluyang matuldukan ang deka-dekadang panunupil at pagyurak ng estado sa karapatan ng mamamayan. Makatarungan para sa mamamayang Masbatenyo na maghimagsik. Karapatan nilang humawak ng armas at makidigma laluna’t ang estado mismo ang […]
Magiting na hinarap ng isang yunit ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang traydor na pag-atake ng mga elemento ng 96th Infantry Battalion Phil. Army sa Sityo Macabuhay, Barangay Dorongan, bayan ng San Jacinto noong Disyembre 1. Gamit ang command-detonated explosive, pinasabugan ng mga mandirigma ng BHB ang sumasalakay na mga militar. Lima ang […]
Malugod na sinusuportahan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ng Sorsogon ang pinirmahang Oslo Joint Statement na nagsasaad ng hangarin na muling isagawa ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Government of the Republic of the Philippines. Ang pirmahan ng dalawang panig na naganap sa Oslo, Norway nitong Nobyembre […]