Ipinapaabot ng masang CamNorteño ang pakikidalamhati sa mga pamilya ng halos isang daang biktima na nasawi sa pagguho ng lupa sa Masara, Maco, Davao de Oro noong Pebrero 6. Gayun din, kaisa ng mamamayan ng Davao de Oro ang mamamayan ng Camarines Norte na mariing tumutuligsa at direktang kumukundena sa kumpanya ng Apex Mining Corporation […]
Ang pagdiriwang sa pag-aalsang EDSA noong Pebrero 25, 1986 ay pag-papaalala sa kasalukuyang henerasyon sa ipinamalas na kapangyarihan ng milyun-milyong masang Pilipino sa pagpapabagsak sa bulok at papet na estado. Ito rin ay ipinagdiriwang ng lahat ng Pilipino na nagmamahal sa kalayaan at tunay na demokrasya bilang araw ng paglaban at pagpapatalsik sa diktadurang Marcos […]
Sunud-sunod na mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitala sa Masbate sa unang bahagi ng 2024 matapos ang panibagong deklarasyon ng rehimeng US-Marcos na durugin ang NPA bago matapos ang taon. Karamihan sa mga biktima’y mga magsasaka sang-ayon sa nagpapatuloy na kampanya ni Marcos at lokal na tuta tulad ni Gov. Antonio T. Kho […]
Pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas-Camarines Norte kay Ruben “Ka Rocky/Ka Bruno/Ka Bru” Abiso, na namartir sa isang depensibang labanan sa Sitio Abuyog, Barangay Macugon Labo, Camarines Norte noong Noyembre 25, 2023. Si Ka Ruben na mas kilala ng mga masa at kasama na Ka Bruno o Ka Bru […]
Dapat puspusang labanan ng mamamayan ng Camarines Sur ang Cha-Cha na tiyak na aagaw sa kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan. Para sa masa ng Camarines Sur, ano nga ba ang Cha-Cha o ang Charter Change? Ito ay ang pag-amyenda o pagrebisa sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987. May tatlong paraan sa pagbabago ng […]
Labis-labis ang puot at galit ng masang CamNorteño sa mga butangerong paksyon ng Marcos Jr at Duterte sa pag-aagawan ng kapangyarihan sa pulitika. Sa mando ng Imperyalismong US pinipilit isulong ni BBM at mga kroni nito ang Charter Change o ang pag amyenda sa Saligang Batas ng Pilipinas 1987 sa anyo ng Peoples Initiative para […]
Mapagpalayang pagbati sa mga kaibigan sa hanay ng midya! Napakakritikal ng institusyon ng midya sa pagbabago ng lipunan bilang inaasahang instrumento ng katotohanan at pagpapahayag ng mamamayan, laluna sa kasalukuyang yugto ng lipunan kung saan laganap ang disimpormasyon, misimpormasyon at iba pang porma ng kasinungalingan. Sa kasaysayan, ang karapatan sa malayang pamamahayag ay nagmula […]
Sa harap ng patung-patong na pagdurusa ng mamamayan laluna ang walang awat na pagtaas ng presyo ng bilihin at lumalalang kundisyon ng pamumuhay, pinatutunayan ng awayang Marcos at Duterte na wala silang intensyong tugunan ang interes ng mamamayan. Ang desperadong paligsahan ng mga Marcos at Duterte para sa kapangyarihan at dambong ay patunay na itinatakwil […]
Determinado ang rebolusyonaryong kilusang Masbatenyo na panagutin at pagbayarin ng mahal ang militar sa kasuklam-suklam nilang pagpatay sa matandang mag-asawang sina Pedro Regala, 78 anyos, at Florencia Regala, 67 anyos sa Barangay Toboran, bayan ng Cawayan, Masbate kahapon, Pebrero 5, 2024. Nagngangalit ang mamamayang Masbatenyo sa kasuklam-suklam na pagpatay kay Tatay Pedro at Nanay Florencia. […]
Makabuluhan para sa masang CamNorteño ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan, ngunit hindi ito nangangahulugan ng pagtahimik at pagsalong ng mga baril. Sinusuportahan ng masang Camnorteño ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan na pinirmahan ng Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng mga upisyal ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas […]