Isang hakbang tungong hustisya para sa mga biktima ng abusong militar sa Masbate ang matagumpay na operasyong haras na ilinunsad ng Jose Rapsing Command-NPA Masbate laban sa tropa ng 2nd Infantry Battalion sa Barangay Puro, bayan ng Placer nito lamang ika-26 ng Agosto, 11:00 ng gabi. Pinaulanan ng bala at pinasabugan ng command-detonated explosive (CDX) […]
Mismong ang rehimeng US-Marcos ang naghahadlang sa daan tungo sa tunay na kapayapaan para sa sambayanang Pilipino. Ito ang pinatunayan ng sarili nitong mga pahayag at patakaran na kumukontra sa usapang pangkapayapaan sa kabila ng Oslo Joint Statement noong Nobyembre 23, 2023 sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Government of the […]
Matagumpay na hinaras ng isang yunit ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang kampo ng 93rd Division Reconnaissance Company sa Sityo San Jose, Barangay Hamorawon at kampo ng 2nd Infantry Batallion-Phil. Army sa Barangay San Antonio parehong sa bayan ng Milagros nito lamang Agosto 10, 2024, 9:00 ng gabi. Ang naturang aksyong gerilya ay […]
Nakikiisa ang mga Masbatenyo sa kapwa nito mamamayang Bicolano sa pagtutol sa planong pagpasok ng mga tropang Amerikano at iba pang dayuhang pwersa sa rehiyon sa tabing ng umano’y mga aktibidad na humanitaryan at relief. Walang ibang pakay ang naturang mga aktibidad kundi ang linlangin ang taumbayan na kaibigan ng mga Pilipino ang imperyalismong US. […]
Kinasusuklaman at itinatakwil ng mamamayang Masbatenyo ang rehimeng US-Marcos. Sa loob lamang ng dalawang taon, sukdulang pagpapahirap, pasismo at terorismo at pagpapakatuta sa imperyalista ang ginawa ni Marcos sa taumbayan. Numero uno siyang pahirap sa bayan. Ipinataw ni Marcos ang mga neoliberal at maka-dayuhang patakarang nagpapalala sa krisis sa ekonomya. Walang awat ang pagtaas ng […]
Pinagkaitan ni Marcos at ng 2nd Infantry Battalion – Phil. Army ng kinabukasan ang mga kabataang magsasaka at magkapatid na sina Ronel Monsanto, 22 anyos at Robert Monsanto, 18 anyos sa kanilang lugar sa So. Laray, Barangay Aguho, bayan ng Esperanza noong Hulyo 8. Nagpapastol ng alagang hayop ang magkapatid nang madaanan at mapagdiskitahan ng […]
Kinukundena namin ang paulit-ulit na paggamit ng Casiguran Municipal Police Station sa rebolusyonaryong kilusan bilang kumbinyenteng sangkalan sa mga krimen na nais nilang pagtakpan at takasan. Taliwas sa inimbentong ulat ng Casiguran MPS at 31st Infantry Battalion, hindi myembro ng NPA o ng rebolusyonaryong organisasyon si Niño Henera, isang construction worker na pinaslang noong Hunyo […]
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tropa ng 31st IBPA si Arnel Esperitu, 39 taong gulang noong Hunyo 20, bandang alas 4 ng umaga sa sentro ng Barangay Gogon, Donsol, Sorsogon. Dumaan lamang si Arnel sa kalsada malapit sa pwesto ng militar nang barilin sya na kaagad nyang ikinamatay. Pagkatapos ng krimen, tinakot ng mga militar […]
Hangga’t may pang-aapi, pagsasamantala, kahirapan at kawalang-hustisya, hindi kailanman mawawala ang NPA at ang rebolusyonaryong armadong paglaban. Iyan ang katotohanang hindi masikmura ni Marcos Jr at ng Armed Forces of the Philippines sa harap ng nabibigong deklarasyon ng rehimen na wakasan ang armadong pakikibaka ngayong Hunyo 2024. Dahil hindi matu-talo ang NPA, pinatitindi ng AFP-PNP-CAFGU […]
Ang kahiya-hiyang kainutilan ng Philippine Navy at ng buong Armed Forces of the Philippines sa harap ng malinaw na armadong pakikipagkumpronta ng China ay patunay na mapanganib sa kalayaan ng Pilipinas ang pagyukod ni Marcos Jr sa dikta at panghihimasok ng United States o US. Para sa kaligtasan ng mga Pilipino, maiiwasang humantong sa armadong […]