Archive of NDF-Mindoro

Kalagayan ng Karapatang-tao sa Mindoro
December 21, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro |
Buong tapang na magtanggol laban sa terorismo ng 203rd Brigade at PNP MIMAROPA sa isla ng Mindoro!
December 17, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Buong taong 2025, biktima ng dumarami at lumalalang teroristang pang-aatake ng 203rd Infantry Brigade at PNP MIMAROPA ang mga Mindoreño. Ang AFP-PNP, katuwang ang mga CAFGU, CIDG, PDEA at kanilang mga yunit paniktik, ang pasimuno ng malawakang paglabag ng rehimeng US-Marcos Jr. sa karapatan ng mga Mindoreño na mabuhay nang ligtas at payapa. Mula Enero […]

Kabataang Mindoreño, singilin at ibagsak ang rehimeng US-Marcos II at buong naghaharing sistema sa pagnanakaw sa kinabukasan ng mga kabataan!
December 08, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Habang papatindi ang krisis panlipunan sa ilalim ng rehimen ni Ferdinand Marcos Jr, lalong hinahamon ang mga kabataan na panghawakan ang kanilang makasaysayang papel sa pagpapabagsak di lang kay Marcos Jr kundi sa buong nabubulok na naghaharing sistema. Ito ang hamon ng kasalukuyang panahon sa lahat ng kabataan sa okasyon ng paggunita sa araw ng […]

Deklarasyon ng national state of calamity ng rehimeng US-Marcos II maniobra para sa pampulitikang kaligtasan hindi para sa bayan!
November 24, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ang deklarasyon ni Marcos Jr na buong taong national state of calamity ay isang pampulitikang maniobra upang iligtas ang sarili sa bumubulwak na galit ng mamamayan sa pagkalantad ng gabundok na anomalya sa flood control project at iba pang imprastrukturang pang-agap sa mga sakuna. Inilabas ang deklarasyon noong Nobyembre 5 bilang tugon sa pinsalang iniwan […]

Mamamayang Mindoreño, magkaisa at singilin ang rehimeng US-Marcos II sa pabaya at palpak na tugon sa malawakang pinsalang dala ng mga bagyong Opong, Tino at Uwan!
November 20, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Lubhang kalunos-lunos ang kalagayan ng masang Mindoreño pagkatapos ng sunod-sunod na bagyong Opong, Tino at Uwan nitong Setyembre hanggang Nobyembre. Hindi pa man nakakabangon mula sa malawakang pinsala ng bagyong Opong sa kanilang buhay at kabuhayan ay sumunod naman ang malalakas na bagyong Tino, Uwan, at ilan pang mga bagyo. Hindi na bago ang pananalanta […]

Mamamayang Mindoreño, tuloy-tuloy na ilantad, batikusin at singilin ang korap, pahirap at bulok na rehimeng US-Marcos II at mga alipures nito!
September 30, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Sa Mindoro at buong bansa, bumabaha ang galit ng mamamayan sa sukdulang kabulukan at katiwalian ng rehimen ni Ferdinand Marcos Jr na lalong nailalantad sa kada araw. Unang lumutang ang usapin sa isinagawang imbestigasyon sa mga palpak at batbat ng korapsyon na mga proyektong flood control. Sa katunayan, unang sumambulat sa Mindoro ang isyu ng […]

Pagkain at ayuda hindi bomba at bala! Kundenahin at singilin ang 203rd Brigade sa walang awat na pambobomba, panganganyon at istraping sa Mindoro!
September 12, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Mahigpit na kinokondena ng National Democratic Front-Mindoro ang walang walang patumanggang istraping mula sa helicopter at panganganyon ng mga pasistang tropa ng 203rd Bde mula hapon ng September 9 hanggang madaling araw ng September 10. Ito’y pagkatapos ng labanang naganap sa pagitan ng NPA at AFP noong alas-11 ng umaga, September 9, 2025 sa Sitio […]

203rd Infantry Brigade at PNP MIMAROPA: numero unong tagalabag ng karapatang pantao at internasyunal na makataong batas sa isla ng Mindoro!
August 18, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ang Agosto ay buwan ng pagkilala sa International Humanitarian Law (IHL). Sa buwang ito noong 1998, pinirmahan ng Gubyerno ng Republika ng Piliipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Sa loob ng higit dalawang linggo ngayong buwan, pinatunayan ng […]

Tatlong taon ng kasinungalingan, paghihirap, at mga pangakong napanis ang bukod tanging maipagmamayabang ni Marcos Jr. dahil walang pag-unlad sa kalagayan ng mamamayan!
August 18, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Sa katatapos na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Marcos Jr noong Hulyo 28, mistulang mga bula na mabilis maglaho sa hangin ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Bongbong Marcos. Walang laman, pawang kasinungalingan, at punong-puno ng kahibangan ang bawat pahayag. Ibinida ni Marcos Jr. sa SONA 2025 ang higit na […]

Pekeng labanan ang naganap sa Barangay Naibuan, sibilyan ang pinatay ng 4th IBPA at hindi kasapi ng NPA Mindoro!
August 04, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Isa na namang karumaldumal na krimen ang isinagawa ng mga pasistang 4th IBPA at 203rd Bde sa pagpatay sa lehitimong sibilyan na si G. Juan Sumiling. Kagaya ng gasgas nilang maruming taktika, isang pekeng labanan ang pinalabas ng 4th IBPA noong Agosto 1, 2025 sa Sitio Salidang, Barangay Naibuan, San Jose Occidental Mindoro upang bigyang […]