Mariing kinukundena ng NDF-Palawan, kaisa ng buong sambayanang Pilipino, ang tahasang pagyurak ng imperyalismong US sa pambansang soberanya ng Pilipinas sa plano nitong pagdadagdag ng bagong base militar sa Palawan. Pandudusta ito sa ika-159 taong kapanganakan ng rebolusyonaryong bayaning Pilipinong si Andres Bonifacio na nag-alay ng kanyang dakilang buhay sa pagsusulong ng armadong rebolusyon upang […]
Kaisa ng mamamayan ang NDF-Palawan sa pagkundena sa pagsasabatas ng SIM card Registration Law o RA 11934 bilang karagdagang instrumento ng pasista-teroristang estado laban sa nakikibakang mamamayan. Ginawang prayoridad ng ilehitimong rehimeng Marcos II ang pagpirma sa nasabing batas upang lubusin at kumpletuhin ang sistematikong paniniktik ng estado sa mamamayan. Nagkukubli ang batas sa layuning […]
Salamin ng masahol na pangangayupapa ng rehimeng Marcos II sa mga imperyalistang kapangyarihan at mga monopolyo kapitalistang dayuhan at mamumuhunan ang pagpapahintulot sa oil drilling operations sa Cadlao oil field sa Palawan. Pangangasiwaan ito ng Sacgasco, kumpanyang Australian na nag-oopereyt sa bansa bilang Nido Petroleum Philippines Pty. Ltd. at magsisimula sa unang hati ng 2023. […]
Insulto para sa mamamayang Palaweño ang pagkakatalaga kay 2nd district congressman at dating governor Jose Chaves Alvarez (JCA) bilang pangulo ng paksyong Cusi sa PDP-Laban. Naganap ito sa gitna ng di na mabatang krisis na dinaranas ng mamamayang Pilipino na pinalala ng tiranikong paghahari ni Rodrigo Duterte at ngayon, sa ilalim ng naghaharing pangkating Marcos-Duterte. […]
Kinukundena ng National Democratic Front-Palawan ang nakaambang operasyon ng Ipilan Nickel Corp. (INC) at eksplorasyon ng MacroAsia Mining Corp. (MMC) sa Brooke’s Point dahil umano iginawad na ng mga katutubong Palaw’an ang Free, Prior and Informed Consent (FPIC) sa dalawang kumpanya. Sa pakikipagsabwatan sa National Council for Indigenous Peoples (NCIP) at mga bayarang media, pinalabas […]
Isang malaking kalokohan ang pahayag ng kasalukuyang executive director ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) na si Teodoro Jose Matta na ang pangunahing dahilan ng pagkasaid ng mga kagubatan sa lalawigan ay ang agricultural expansion. Sinabi ito ni Matta sa Palawan Planning Summit noong Agosto 17-19. Itinatanggi at ikinukubli ni Matta at ng PCSD […]
Mariing kinukundena ng NDFP Palawan ang nagpapatuloy na presensya ng Chinese Coast Guard (CCG) at iba pang pwersa ng imperyalistang China sa West Philippine Sea (WPS) na saklaw ng teritoryo ng Pilipinas. Nananatili ang mga pwersa ng CCG sa WPS at sapilitang inaangkin ang ilang bahagi nito. Noong Hunyo 25, hinarang ng CCG ang barko […]
Mariing kinukundena ng NDFP Palawan ang nagpapatuloy na presensya ng Chinese Coast Guard (CCG) at iba pang pwersa ng imperyalistang China sa West Philippine Sea (WPS) na saklaw ng teritoryo ng Pilipinas. Nananatili ang mga pwersa ng CCG sa WPS at sapilitang inaangkin ang ilang bahagi nito. Noong Hunyo 25, hinarang ng CCG ang barko […]
Isang malaking insulto para sa mga manggagawa sa lalawigan ng Palawan ang ipinagmamalaking P35 dagdag-sahod na ipinag-utos ng National Wages and Productivity Commission ng Department of Labor and Employment nitong Mayo 20. Mistulang pangungutya ito sa mahirap na sitwasyon ng pamumuhay ng mga manggagawa at maralita sa probinsya at buong rehiyon ng MIMAROPA. Kung sabagay, […]
Pinakamataas na pagpupugay ang ipinaaabot ng National Democratic Front – Palawan (NDF-Palawan) sa New People’s Army (NPA) sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag. Ibinibigay rin natin ang pulang saludo para sa mga kumander at mga mandirigma ng NPA na matapang at matatag na nagpunyagi at nakibaka sa harap ng malupit na kontra-rebolusyunaryong […]