Archive of NDF-Southern Tagalog

Ilantad at kundenahin ang Balikatan 25 ng imperyalismong US at ng papet na rehimeng Marcos! Isulong ang Pambansa Demokratikong Rebolusyong Bayan!
April 16, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Malaya Asedillo | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng National Democratic Front-Laguna at ng buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ang mga joint clearing operation sa likod ng kasalukuyang serye ng Balikatan exercises o Balikatan 25 na kasalukuyang naghahasik ng takot at lumalabag sa karapatang pantao ng mamamayan ng Aurora, Bulacan at Nueva Ecija. Ang mga operasyong ito ay isinasagawa ng mga […]

Pulang pagpupugay at saludo sa New People's Army! Ang tunay na Hukbo ng mga Palaweño at buong sambayanang Pilipino!
April 13, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Binabati, pinagpupugayan at sinasaluduhan ng buong rebolusyonaryong kilusan at nakikibakang mamamayang Palaweño ang New People’s Army sa ika-56 anibersaryo nito noong Marso 29. Mula nang itatag ng Communist Party of the Philippines, gumampan na ang NPA bilang tanging hukbong tagapagtanggol at tagapagsulong ng interes at kapakanan ng mamamayan. Tugon ito sa malaon nang sigaw ng […]

Magwasto at Ibayong Sumulong sa Landas ng Digmang Bayan!
March 29, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Simeon Magdiwang | Spokesperson |

Ipinapaabot ng National Democratic Front-Cavite at rebolusyonaryong mamamayan ng lalawigan ang pulang pagsaludo nito sa lahat ng mga Pulang mandirigma, kumander at kadre ng Bagong Hukbong Bayan ngayong ginugunita natin ang ika-56 taong anibersaryo nito. Sinasalubong natin ang anibersaryo bitbit ang diwa ng pagpapalawak at pagpapalalim ng kilusang pagwawasto, ibayong paghihigpit ng ugnayan sa masa […]

Pinakamataas na parangal sa BHB, tunay na Hukbo ng mamamayan! Tipunin ang lakas ng mamamayan para isulong at ipagtagumpay ang digmang bayan!
March 29, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Taas-kamaong nagpupugay ang NDFP-ST kasama ang rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan sa Bagong Hukbong Bayan na nagdiwang ng ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag nito noong Marso 29. Nais naming ipabatid sa BHB ang di nagmamaliw na suporta ng mamamayang api’t pinagsasamantalahan sa armadong pakikibaka sa kanilang tunay na Hukbo. Hangad ng mamamayan na higit pang tumatag, […]

Dakilain ang Bagong Hukbong Bayan, hukbo ng magsasaka!
March 29, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Nagpapaabot ng Pulang saludo ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Timog Katagalugan o PKM-TK sa mahigit sa limang dekadang paggunita sa lipos na buhay at kamatayang pagtatag, pagpupundar at sa ganap na pagkalatag at pag-ugat sa rehiyon ng armadong pakikibaka sa pamamagitan ng pinakamamahal nating BHB! Sa tala ng rebolusyonaryong pakikibaka sa rehiyon at buong kapuluan, […]

Kabataan ng Quezon, isulong ang demokratikong rebolusyong bayan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
March 29, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Quezon | Ka Abet Peninsula | Spokesperson |

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang ika-56 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. Mapulang saludo ang ipinapaabot ng Kabataang Makabayan-Quezon Balangay Dani Lagrama sa lahat ng Pulang kumander at mandirigma na patuloy na nagpupunyagi sa mahirap na landas ng rebolusyonaryong pakikibaka upang madurog ang kadena ng lumang lipunan—mula sa mga abo nito, sisibol ang isang […]

Pulang saludo at mataas na pagpupugay sa hukbo ng mamamayan!
March 29, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Rizal |

Ipinapaabot ng Kabataang Makabayan-Rizal ang taos-pusong suporta sa ika-56 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Sa loob ng mga dekada ng paglaban, patuloy nitong isinasapraktika ang matatag na diwa ng paglilingkod sa bayan at pagtatanggol sa interes ng mga maralita at inaapi. Sa gitna ng malalim na krisis na kinakaharap ng lipunan mula sa lumalalang […]

Magkaisa at determinadong ipaglaban ang karapatan sa tubig, kabuhayan, buhay, at likas-yaman!
March 26, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Nakikiisa ang buong rebolusyonaryong mamamayan ng Mindoro sa paggunita noong ika-28 Pandaigdigang Araw ng Pagkilos para sa mga Ilog, at sa mga kilos protesta at mga paglaban na inilulunsad ng mamamayan sa buong daigdig laban sa mapaminsalang dambuhalang mga dam, pandarambong sa kalikasan at upang ipagtanggol ang karapatan sa buhay at likas yaman ng mamamayan. […]

Ipagbunyi ang tagumpay ng welga ng mga manggagawa sa Nexperia! Uring manggagawa, tanganan ang sulo ng militanteng pakikibaka at proletaryong rebolusyon!
March 26, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati at nagpupugay ang National Democratic Front-Southern Tagalog sa mga manggagawa ng Nexperia Philippines at kanilang mga tagasuporta sa matagumpay nilang welga noong Marso 5-8. Naparalisa ng kanilang solidong pagkilos ang produksyon ng kumpanya na nagdulot ng ₱1.96B kawalang kita sa kapitalista. Matapos ang halos 4 na araw na welga, nakamit ng mga manggagawa sa […]

Ipagbunyi ang 50-taong moratorium sa mina sa Palawan! Isang bigwas sa imperyalismo, makasaysayang panimulang tagumpay ng mamamayang Palaweño!
March 09, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Malugod na binabati ng NDFP-Palawan ang matagumpay na pagpapasa ng ordinansa na nagpapataw ng 50-taong moratoryum sa bagong mga operasyon ng mina sa probinsya noong Marso 5. Dahil sa masigasig at matagal nang pakikibaka ng mga Palaweño kontra sa dambuhala at mapaminsalang mina, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ang moratorium dalawang araw matapos ang ika-30 taong […]