Sa gitna ng umuusad na kaso ni Rodrigo Duterte laban sa sangkatauhan buhat ng madugong gera kontra-iligal na droga, nararapat ding papanagutin si Duterte, kasama ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr, dating US president Joe Biden at ang mga gubyerno ng Pilipinas at US, sa mga krimen sa digma at iba […]
Mariing binabatikos ng rebolusyonaryong kilusan at mamamayan sa Palawan ang katatapos lamang na Balikatan exercises na inilunsad noong Abril 20 hanggang Mayo 8. Noong Abril 27, ginawa sa barangay Aporawan ng bayan ng Aborlan ang counter-landing drills at live fire exercises, kasama ang mga modernong bomba tulad ng High Mobility Artillery Rocket Systems ng US […]
Pinatunayan muli ni Bongbong Marcos na siya ang maamong tuta ng imperyalismong US sa Asya-Pasipiko. Sa kabila ng tumatalas na mga kontradiksyon ng pandaigdigang sistemang imperyalista, pangunahing tugon pa rin ni Marcos ang pagbebenta ng soberanya at pagluhod kay Donald Trump sa niluluto nitong gera laban sa China. Pinakita ni Marcos sa nagdaang mga linggo […]
Makatarungan ang pagprotesta ng mga progresibong pwersa at mamamayang Pilipino para isulong ang impeachment ni Vice President Sara Duterte sa garapalang pandarambong ng pondo ng bayan. Sa gitna ng kinakaharap na kaso ni Sara, dumadaluyong ang mga pakikibakang bayan para usigin at papanagutin ang mga tiwali, kabilang ang hari ng korapsyon na si Ferdinand Marcos […]
Hindi matutunog na palakpak kundi malalakas na pagkundena at pagkadismaya ang tugon ng sambayanan sa palabas na hulihan kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado kagabi, Mayo 13. Makalipas ang magdamag matapos ang “kaguluhan”, saka na lamang inamin ng gubyernong Marcos II na nakatakas ang kriminal na si Bato imbes na mahuli. Ipinakita nito […]
Nagpupuyos sa galit ang Kabataang Makabayan-Jordan Mopon hinggil sa pagtutol ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan. Pagpapatunay lamang ito ng kawalan ng interes ng rehimeng US-Marcos na resolbahin ang armadong sigalot sa bansa. Sa loob ng ilang dekada, ibinubuhos ng estado ang napakalaking pondo para sa gera at kontra-insurhensya habang […]
Pangita ang pagiging uhaw-sa-dugo ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro sa mga kontra-kapayapaang pahayag at tahasang paghadlang sa panawagan ng mamamayan na muling ituloy ang peace talks. Ang tahasang pagtanggi sa panawagan para sa peace talks ay malinaw na tindig ng rehimeng US-Marcos. Muling lumalakas ang panawagan para sa peace talks kasabay ng […]