Malinaw sa mata ng sambayanang Pilipino na niluto ang Eleksyon 2022 para maluklok sina Marcos Jr at Sara sa pagka-presidente at bise-presidente, mga anak ng diktador at pasistang sina Marcos Sr at Rodrigo Duterte. Sino ba naman ang papayag na manumbalik sa kapangyarihan ang mga kapamilya ng mga kinamuhiang rehimen? Hindi mapasusubalian na may naganap […]
Nag-eengganyo ang ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte ng walang rendang dayuhang pandarambong at malulubhang sakuna sa pagtutulak nitong palawakin at paramihin ang mga proyektong mina sa bansa. Sa prenteng kailangan ang pagmimina upang pasikarin ang ekonomya, isinasakatuparan nito ang imbing layunin ng imperyalismo na sairin ang likas yaman ng Pilipinas habang nagsusubi ang mga burukrata mula sa […]
The Marcos Jr. clique has managed to include in the 2024 national budget provisions for confidential and intelligence funds, totaling PHP 5.277 billion and PHP 4.864 B, respectively. The Filipino people, however, are not ignorant to the true purpose of these funds. It is blatantly clear that the “confidential” funds are a cover for “corruption” […]
Nakikiisa ang NDFP-ST sa panawagan ng malawak na mamamayang Pilipino na buwagin na ang teroristang NTF-ELCAC at ilipat ang pondo ng ahensya pati ang mga confidential and intelligence funds sa higit na kapaki-pakinabang na mga programa at serbisyong panlipunan sa bayan. Marapat na patuloy na magbuklod ang mamamayang Pilipino para igiit at ipaglaban ito sa […]
Anuman ang gawing pambabaluktot sa kasaysayan, hinding-hindi na mabubura sa sambayanang Pilipino ang malagim na paghahari ng diktadurang Marcos. Sapagkat nanalaytay ang dugong ibinuwis ng mga Martir ng Batas Militar sa matabang lupa ng Demokratikong Rebolusyong Bayan na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Hindi kailanman magtatagumpay ang maiitim na pakana ng mga pasista at diktador na […]
Isang rebolusyonaryong pagbati at lubos na kagalakang ipinaaabot ng Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU)-Laguna sa mga manggagawang Lagunense sa matagumpay nitong pagbubuo ng panibagong pamunuan ng ALMAPILA sa pamamagitan ng paglulunsad nito ng Kongreso. Isa itong malaking bigwas sa reaksyunaryong estado na sa kabila ng matinding pandudurog at dumog-atake nito sa kilusang paggawa sa […]
Sa pagdeklara ng estado at naghaharing uri sa lalawigan ng Batangas bilang ‘the next global economic hub,’ hindi grasya bagkus disgrasya ang nakaambang bumaha at bumuhos para sa sambayanang Batangenyo. Kaliwa’t kanan ang byahe patungong ibang bansa ng gubernador ng lalawigan na si Hermilando Mandanas upang ilako ang likas yaman at oportunidad para sa dayong […]
Tumawag ng pambansang atensyon ang taktikal na opensibang (TO) inilunsad ng NPA-Quezon noong Setyembre 1 sa Barangay Mapulot, Tagkawayan kung saan limang miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang nasawi at limang riple rin ang nasamsam ng Pulang hukbo. Ikinalulugod naming ibinalita ang pangyayari sa mga pambansang pahayagan, telebisyon, radyo at maging sa […]
Binabati ng National Democratic Front of the Philippines – Palawan, kaisa ng buong mamamayan ng probinsya, ang malaking tagumpay ng mamamayan ng Brooke’s Point na maipatigil ang operasyon ng mga mapaminsalang mina ng Ipilan Nickel Corporation (INC) at Celestial Nickel Mining Exploration Corporation (Celestial Mining). Muling napatunayan na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagsalig […]
Kabalintunaang sa mismong buwan kung kailan ginugunita at binibigyang halaga ang wika ay siya ring okasyon kung kailan ipinabatid ng DepEd sa taumbayan na tinanggal na nito ang “mother tongue” (kinamulatang wika ng mag-aaral) sa bagong kurikulum na Matatag K-10. Ito ang isa sa mga mayor na pagbabago sa kurikulum na ayon sa paliwanag ng […]