Archive of NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)

Pulang Saludo kay JR "Ka Rio" Compuesto! Kabataang Masbatenyo, tularan ang kanyang kabayanihan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
June 12, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Itinatataas ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate at ng mamamayang Masbatenyo ang kanilang kamao upang bigyan ng pinakamataas na pagpupugay si JR “Ka Rio” Compuesto, kabataang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan, na napatay sa isang depensibang labanan sa Barangay Tubog, bayan ng Pio V. Corpuz nito lamang Hunyo 11, 2024. Magiting na naharap ng […]

Pakikiramay sa mga militar na napatay sa engkwentro sa Barangay Lague-lague, Cawayan
June 03, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Lima ang napatay sa tropa ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army-Charlie Company mula sa mahusay na pagharap ng isang yunit ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan sa engkwentrong naganap sa Barangay Lague-lague, bayan ng Cawayan noong Mayo 23, 2024. Nagmamaniobra ang Hukbo mula sa pagtulong sa problema ng komunidad nang maka-engkwentro ang mga nag-ooperasyong […]

Pakikiisa ng mga Masbatenyo laban sa pagtatayo ng baseng nabal sa Catanduanes
May 26, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Nakikiisa ang mamamayang Masbatenyo sa mga mamamayan ng Catanduanes at buong rehiyong Bikol sa tangkang muling pwestuhan ng baseng nabal ang Panay Island sa naturang prubinsya. Sa halip na katiwasayan at kapayapaan, gulo at ligalig ang idudulot ng planong muling pagpapatayo ng naval base sa Catanduanes. Dahil baseng nabal, tiyak na magiging himpilan ang naturang […]

Mahusay na depensa ng BHB-Masbate sa tangkang kubkob ng militar sa Masbate City
April 19, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Matagumpay na naipagtanggol ng isang yunit ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang kanilang pwersa laban sa tangkang pangungubkob ng mga teroristang tropa ng 96th Infantry Battalion-Phil. Army. Nangyari ang kontra-kubkob kahapon ng Abril 18, 5:30 ng umaga sa Barangay B. Titong, Masbate City. Dalawa ang napatay at dalawa ang malalang nasugatan sa hanay […]

Sa pagkakaisa lamang ng NPA at mga Masbatenyo mapapanagot ang AFP-PNP-CAFGU sa kanilang mga krimen
April 12, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Tiyak na magbabayad ang mga militar na sangkot sa pagpatay kay Jimmy Pautan, mahigit 50 anyos nitong Abril 11, 2024, 5:00am sa Sityo Tadloy, Barangay Luna, bayan ng Placer at kay Elorde “Nonoy” Almario sa Barangay San Carlos, bayan ng Milagros noong Abril 2, 2024. Matapos patayin, pinalabas si Pautan na isang NPA na napatay […]

#NPA55: Bibiguin ng Hukbo at mga Masbatenyo ang todong gera ng rehimeng US-Marcos Jr
March 29, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Pinakamataas na pagbati ang ipinapaabot ng Jose Rapsing Command-NPA Masbate sa Bagong Hukbong Bayan sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Binibigyang pugay din ng rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya ang mga Masbatenyong bayani at martir na nag-alay ng kanilang buhay para sa dakilang adhikaing palayain ang bayan sa tanikala ng dayuhan at kronikong kahirapan. Sila ay […]

Lalong tumataba ang lupa ng Masbate para sa armadong rebolusyon
March 26, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Tahimik na binubungkal ng mga magsasaka ang lupaing Triple A sa bayan ng Cawayan, bahagi ng mga kinumpiskang yaman ng pamilyang Marcos. Mapayapa itong naipaglaban at nakamit ng mga magsasaka. Lahat ng ligalidad at pagiging lehitimo ay taglay ng mga magsasaka sa naturang lupain, lalupa’t nakapailalim ito kahit sa mismong huwad na programang agraryo ng […]

Lumalalang mga abuso at paglapastangan sa paghahari ng takot
March 13, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Panibagong palabas na labanan ang ipinakana ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army sa Sityo Cayang, Barangay Liong, bayan ng Cataingan noong Marso 11, 2024. Walang yunit ng NPA sa naturang lugar. Nagdulot ng takot, laluna sa mga senior citizen, ang walang habas na pagpapaputok ng militar sa naturang lugar. Dahil din sa takot, napuwersa ang mga […]

Gubernador Antonio T. Kho at Ferdinand Marcos Jr: utak ng kampanyang pagpatay sa magsasaka sa Masbate
March 03, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Malinaw na isa sa mga nakikitang motibo sa pagpatay sa matandang mag-asawang sina Pedro at Florencia sa Barangay Tuburan, bayan ng Cawayan ay ang plano ni Gov. Antonio T. Kho na palayasin ang mga magsasaka sa lupaing Triple A. Ang Triple A ay lupaing bahagi ng mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos na sinekwester […]

Pinatinding gera kontra-magsasaka sa Masbate sa ilalim ng deklarasyon ni Marcos Jr na pagdurog sa NPA
February 23, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sunud-sunod na mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitala sa Masbate sa unang bahagi ng 2024 matapos ang panibagong deklarasyon ng rehimeng US-Marcos na durugin ang NPA bago matapos ang taon. Karamihan sa mga biktima’y mga magsasaka sang-ayon sa nagpapatuloy na kampanya ni Marcos at lokal na tuta tulad ni Gov. Antonio T. Kho […]