Mariing pinabubulaanan ng Jose Rapsing Command-New People’s Army Masbate ang ipinangangalandakan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na isang Rank No. 4 Regional Most Wanted Person ang kanilang hinuli noong Abril 28, 2025, alas-9 ng umaga sa Sitio Asid-asid, Barangay Jamorawon, Milagros. Si Nestor Puresima o alyas Rimbo, 39 […]
Binawian ng buhay ang isang myembro ng Civillian Auxillary Forces and Geographical Unit (CAFGU) na si Judjan “Bugoy” Cortes, 25-anyos, noong gabi ng Abril 23, 2025 sa ospital sa bayan ng Cawayan sa Masbate. Tatlong araw nang namimilipit sa sakit ng tiyan ngunit pinabayaan lang ito ng kanyang upisyal militar at mga kasamahan. Dinala lang […]
Ipinapaabot ng Jose Rapsing Command-NPA Masbate ang pakikiisa sa lahat ng mga rebolusyongaryong organisasyon, mga progresibo at patriyotiko at sa lahat ng nagsusulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa pagdiriwang sa ika-52 taong anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Hindi maitanggi na dahil sa malakas na pakikibakang masa nagkamit ang masang Masbatenyo ng makabuluhang […]
Kinukundena ng Jose Rapsing Command-NPA Masbate ang muli na namang pagsaggawa ng pekeng engkwentro ng pwersa ng militar sa ilalim ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army na nagdulot ng pangamba at takot sa mga sibilyan. Naganap ang pakanang labanan sa Barangay Nadawisan, Cataingan kanina, alas-5 ng umaga, Abril 23, 2025. Pinagyayabang pa ng militar ang umanoy […]
Kasabay ng pagbibigay parangal ay taas-noong sinasaluduhan ng mga pulang Hukbo ng Jose Rapsing Command-New People’s Army at buong rebolusyonaryong kilusan sa Masbate ang hindi matatawarang ipinakitang katapangan nina Kasamang Giovanni at Jigs. Nasawi ang dalawa matapos matapang na dumepensa sa pataksil na atake ng mga pwersa ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army sa pansamantalang pinagpahingahan […]
Inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB-Masbate) sa ilalim ng Jose Rapsing Command, ang kumbinadong mga aksyong opensiba habang papalapit ang pagdiriwang sa ika-56 taong anibersaryo ng pagkatatatag nito. Pinagkumbinang haras, demolisyon at pamamarusa ang isinagawa ng Pulang Hukbo upang bigwasan ang pinagsanib na pwersa ng militar, pulis at mga CAFGU. Layunin ng BHB na pagbayarin […]
Matagal ng nagtetengang-kawali ang reaksyunaryong gubyerno sa mga panawagan ng mga residente na itigil na ang operasyon ng Filminera Masbate Gold Project o Filminera Resource Corporation sa bayan ng Aroroy. Mula nang magsimula noong taong 2000 ang kontrata nito na 25-taong pagmina ng oro o ginto sa naturang bayan ay labis nang napinsala at winasak […]
Ipinaaabot ng Jose Rapsing Command-New People’s Army (NPA-Masbate) at buong rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya ang taos-pusong pakikiisa sa pagdiriwang sa ika-39 taong anibersaryo ng EDSA People Power. Sa makasaysayang araw na ito, dapat magbalik-tanaw ang mamamayan sa kanilang kagitingang ipinamalas upang ipataw ang kanilang kapangyarihan sa inutil at kamuhi-muhing diktador na si rehimeng Ferdinand Marcos […]
Nito lamang Pebrero 21, 2025, alas-10 ng gabi ay walang habas na hinalughog ng mga 96th Infantry Battalion-Philippine Army at pulis Bayombon ang bahay ng isang pastol na kinilala sa pangalan na Budo Alegre sa Barangay Mapiña, Masbate City. Ninakaw ng mga pulis at militar ang alagang baboy na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱10,000, mga […]
Matapos ang command conference ng 2nd Infantry Battalion – Phil. Army at 96th Infantry Battalion – Phil. Army na pinamunuan ng AFP Chief na si Gen. Romeo Browner nitong Enero 30, ay agad-agad na isinailalim sa Modified Community Support Sustainment Program (MCSSP) ang mga barangay sa Masbate. Bagong bihis na pangalan ng Retooled Community Support […]