Archive of Articles

Sabwatang burgesyang kumprador at burukrata kapitalista sa sistemikong korapsyon
December 21, 2025

Nitong nagdaang mga buwan, tumambad ang sistemikong korapsyon at garapalang pagnanakaw sa pondo ng bayan ng mga nasa poder. Mula sa maaanomalyang proyektong imprastruktura at pork barrel, “unprogrammed appropriation” at “allocables” sa pambansang budget, naging malinaw ang papel ng burukrata kapitalismo sa nararanasang di-mabatang pagdurusa at karukhaan ng mamamayan. Sa ilalim ng umiiral na sistema, […]

Nakikibaka ang mga Pilipino para sa karapatang-tao
December 21, 2025

Nakiisa ang mga Pilipino sa paggunita sa ika-77 Internasyunal na Araw ng Karapatang-tao noong Disyembre 10. Sa iba’t ibang bahagi ng bansa, libu-libo ang nagmartsa para itaguyod ang karapatang-tao at batikusin ang rehimeng Marcos sa walang awat na paglabag nito sa karapatan ng mamamayan. Pinangunahan ng Karapatan at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang mga pagkilos […]

Mga magsasaka at katutubo, pinalalayas sa sariling lupa
December 21, 2025

Walang habas ang pang-aagaw ng mga dayuhan kumpanya at malaking burgesyang kumprador sa likas na yaman at lupang ninuno ng mga katutubo at magsasaka sa bansa. Gamit ang pulis, militar at ang mga korte, niyuyurakan ng mga ito ang karapatan ng mga magsasaka sa lupa, sinusupil ang kanilang paglaban at ginagamit ang batas para palayasin […]

MSP-NCR, naglunsad ng asembliya
December 21, 2025

Nagtipon ang mahigit 20 myembro ng balangay ng Makabayang Samahang Pangkalusugan-National Capital Region (MSP-NCR) sa isang sikretong lugar noong Disyembre 6 para ilunsad ang kanilang panrehiyong asembliya. Dumalo dito ang mga manggagawang pangkalusugan sa ospital, nars, duktor, medical technologist, dentista, at mga estudyante sa medisina at pagka-nars. Ang asembilya ay itinaon ng MSP-NCR sa paggunita […]

Sa madaling salita
December 21, 2025
Ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Ka Joma, ginunita
December 21, 2025

Ginunita ng pamilya, kaibigan, mga kasama, partido at organisasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Kasamang Jose Maria Sison noong Disyembre 16. Sa Pilipinas at the Netherlands, naglunsad ng mga aktibidad bilang pag-alaala kay Ka Joma. Sa the Netherlands, ipinalabas ang pelikula-dokumentaryong My Friend the Terrorist noong Disyembre 13. […]

Pandaigdigang araw ng mga migranteng manggagawa, ginunita sa Pilipinas at sa ibang bansa
December 21, 2025

Ginunita ng iba’t ibang balangay ng Migrante ang pandaigdigang araw ng mga migranteng manggagawa noong Disyembre 18. Idineklara din nila ito bilang “Zero Remittance Day laban sa korapsyon,” isang araw na sabay-sabay na hindi magpapadala ng pera ang mga migrante sa Pilipinas. Porma ito ng protesta ng mga migranteng manggagawa upang irehistro ang kanilang pagkundena […]

Brutalidad ng militar at pulis sa Masbate at Occidental Mindoro
December 21, 2025

Sa Masbate, nadakip, tinortyur bago sadyang pinatay ng 2nd IB ang isang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate noong Disyembre 13. Ang mandirigma ay nasugatan sa paa at nahuli matapos ang isang labanan sa Barangay Pitogo, Cataingan sa araw na iyon. Ipinailalim siya sa brutal na pisikal na tortyur dahil sa pagkamatay ng dalawang […]

Aregluhan ng pondong “pork” sa badyet 2026, pininal sa bicam
December 21, 2025

Aregluhan ng hatian ng pork barrel sa badyet 2026 ang tumambad sa taumbayan sa isinagawang bicameral conference committee (bicam) ng Senado at Mababang Kapulungan. Kahit pa naka-livestream, hindi itinago ng mga mambabatas ang kanilang paggigirian sa kung anu-anong porma ng pork barrel at magkano ang matitira sa badyet. Isinapinal ng bicam ang tadtad-sa-pork barrel na […]

Pinsala at ligalig ng gerang imperyalista, dinaranas ng mga mangingisda at magsasaka
December 21, 2025

Sa mga mangingisda at magsasaka na nakatira malapit sa mga base militar at pinagdadausan ng mga war games ng US, hindi isang malayong posibilidad ang imperyalistang gera. Ngayon pa lamang, nararanasan na nila ang ligalig at pinsalang dala nito sa kanilang kabuhayan at komunidad. Kabilang ito sa maraming isinadokumento ng 35-kataong delegasyon mula sa US […]