Archive of Articles

Mga protesta
July 21, 2023

  Itigil ang pambobomba. Nagprotesta sa harap ng Camp Aguinaldo sa Quezon City noong Hulyo 17 ang mga grupo ng karapatang-tao, magsasaka at pambansang minorya para kundenahin at ipatigil ang pamboboma mula sa ere sa kanilang mga komunidad. Ang gayong mga pambobomba ay bahagi ng militarisasyon sa kanayunan na nagpapalala sa kalagayan ng mga magsasaka […]

Jeepney phaseout, patuloy na isinasagasa ni Marcos
July 21, 2023

Hindi “ipinagpaliban”, bagkus ay lalo pang iniratsada ng gubyernong Marcos ang pakanang jeepney phaseout. Sa kabila ito ng pahayag ni Marcos Jr na rerepasuhin ang programa, na binitawan niya matapos ang welga sa transportasyon noong Mayo. Wala ring nangyari sa pangako niyang kokonsultahin ang mga drayber at opereytor, at sa halip, tinarget sila ng panggigipit […]

Tatlo, iligal na inaresto
July 21, 2023

Tatlong inidbidwal ang inaresto ng mga pwersa ng estado sa gawa-gawang mga kaso noong Hulyo 12 sa Quezon at Romblon. Samantala, naitala naman sa Negros at Leyte ang panggigipit sa samahan ng mga magsasaka at lokal na midya sa nagdaang linggo. Dalawang aktibista ang inaresto ng 85th IB sa kasong illegal possession of firearms and […]

Demolisyon sa Valenzuela at Cavite, tinutulan
July 21, 2023

Dalawang operasyong demolisyon ang nilabanan ng mga komunidad ng maralita nitong buwan. Sa Barangay Veinte Reales sa Valenzuela, ipinagtanggol ng mga residente ng Block 6 ang kanilang barikada noong Hulyo 12 laban sa marahas na demolisyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP at lokal na gubyerno ng Valenzuela sa mahigit-kumulang 400 kabahayan sa lugar. Sugatan […]

6, arbitraryong tinaguriang "terorista"
July 21, 2023

Nagprotesta noong Hulyo 11 sa Commission on Human Rights ang iba’t ibang organisasyon upang kundenahin ang arbitraryong pagtaguring ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa anim na indibidwal bilang mga “terorista” sa ilalim ng Anti-Terrorism Law (ATL). Iginiit nilang ibasura na ang mapaniil na batas. Ang anim ay sina Windel Bolinget, Sarah Abellon-Alikes, Jen Awingan, at Steve […]

Pilipinas, suki ng kriminal na kumpanyang Elbit System
July 21, 2023

Bilyun-bilyong pisong pera ng sambayanang Pilipino ang nakopo ng Elbit Systems, isang kumpanyang Israeli, na isa sa pangunahing suplayer ng armas para sa diumano’y “modernisasyon” ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Pinakahuli dito ang dalawang lumang ATR 72-600, mga eroplanong komersyal na kukumpunihin para magamit sa mga operasyong sarbeylans at kombat. Nagkakahalaga ang kontrata […]

Ekspansyon ng mapaminsalang pagmimina sa Masbate
July 21, 2023

Muling ibinubwelo ng Filminera Resources Corporation (FRC) ang ekspansyon ng mga operasyong pagmimina nito sa bulubunduking bahagi sa mga bayan ng Milagros, Uson at Mobo sa Masbate. Sasaklawin ng kumpanya ang naturang mga bayan matapos dambungin ang ginto at wasakin ng Masbate Gold Project nito ang kalikasan sa bayan ng Aroroy. Kaakibat ng ekspansyon ang […]

US, nagpadala ng ipinagbabawal na cluster bombs sa Ukraine
July 21, 2023

Hindi bababa sa 11 bansa ang nagpahayag ng pagkabahala sa hakbang ng US na gumamit ng cluster bomb sa gerang proxy nito sa Ukraine laban sa Russia. Kabilang sa mga ito ang Laos at Cambodia, at kaalyado ng US na mga bansa tulad ng Belgium, Canada, Germany, Italy, Norway, Spain, at United Kingdom. Ipinadala sa […]

Jollibee, barat at abusado sa mga manggagawa
July 21, 2023

Nagprotesta ang sinisanteng mga manggagawa ng Jollibee Food Corporation sa restawran nito sa Journal Square sa Jersey City, New Jersey, sa US noong Hulyo 6. Tinanggal sila sa trabaho matapos humiling ng $3 na dagdag-sahod at maayos na kalagayan sa paggawa. Bahagi ang kanilang pagkilos ng kampanyang “Justice For Jollibee Workers. Iginiit ng mga manggagawa […]

501st IBde, salot sa mamamayan ng Cagayan
July 21, 2023

Pinasinungalingan kamakailan ng National Democratic Front (NDF)-Cagayan ang pinalalabas ng 501st IBde na mga “tagumpay” laban sa rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon sa unang hati ng 2023. Anito, malawak na kapahamakan sa mamamayan ang dala ng ipinagmamalaking mga tropeyo ng brigada. Ang mga ito’y nakamit sa pamamagitan ng dahas, paggamit ng kamay na bakal at paghahasik […]