Archive of Ang Bayan

Rebolusyonaryong pagdiriwang sa ICR
April 07, 2024

Puno nga rebolusyonaryong sigla at galak na nagdiwang ang mga rebolusyonaryong pwersa at masa sa araw ng ika-55 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos at Cordillera, kabilang sa mga lungsod ng rehiyon. Sa pagdiriwang, binasa at tinalakay ang pahayag ng Komite Sentral ng Partido para sa ika-55 anibersaryo ng […]

Kumperensya sa teorya kaugnay sa mga krisis ng imperyalistang ekonomya, idinaos
April 07, 2024

Matagumpay na idinaos mula Marso 28 hanggang Marso 29 sa Amsterdam, The Netherlands, ang Internasyunal na Kumperensya sa Teorya kaugnay sa mga Krisis ng Imperyalistang Ekonomya. Dinaluhan ito ng 98 delegado at kinatawan mula sa mga grupo at partidong proletaryo, anti-imperyalista at demokratiko mula sa 18 bansa. Pangalawang kumperensya na ito na pinasinayaan ng National […]

85th IB, inambus ng BHB-Quezon
April 07, 2024

Mapangahas na tinambangan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon (Apolonio Mendoza Command) ang 30-kataong yunit ng 85th IB na nag-ooperasyon sa Barangay Doña Aurora, Calauag noong Marso 25, alas-6 ng gabi. Tatlo ang naiulat na nasugatan sa mga pasistang sundalo. Ayon sa pahayag ni Ka Cleo del Mundo, tagapagsalita ng BHB-Quezon, pinasabugan […]

Sa madaling salita
April 07, 2024
Kalbaryo ng Masang Anakpawis, isinagawa sa Metro Manila at Southern Tagalog
April 07, 2024

Inilunsad ng mga organisasyon ng masang anakpawis noong Marso 26, sa Recto Avenue sa Maynila, ang taunang Kalbaryo ng Masang Anakpawis. Kabilang sa mga usaping iniharap ng mga kalahok sa Kalbaryo ang tumitinding krisis sa kabuhayan, reklamasyon sa Manila Bay at demolisyon sa Navotas at pangre-redtag sa mga lider aktibista at kanilang mga komunidad. Dala […]

Paggalang sa internasyunal na makataong batas, puspusang ipinaglaban
April 07, 2024

Mabilis na nagpadala ng mga pangkat ang Karapatan-Southern Tagalog at iba pang grupo sa Batangas at Quezon noong nakaraang linggo para tiyakin na igagalang ng mga armadong pwersa ng reaksyunaryong estado ang internasyunal na makataong batas. Umagapay sila sa masang magsasaka at umalalay sa mga kaanak ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa […]

Mga protesta
April 07, 2024

  Ayuda at suporta sa mga apektado ng El Niño, ibigay! Nagpiket ang mga grupo ng magbubukid at mangingisda sa upisina ng National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA) sa Quezon City noong April 3. Binatikos nila ang dalawang ahensya ng rehimeng Marcos sa kapabayaan at kainutilan nito na ayudahan ang mga magbubukid […]

Pagsisimula ng kilusang pagwawasto sa Agusan at Surigao del Sur
April 07, 2024

Magkakasunod na pag-aaral at talakayan ang matagumpay na inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga prubinsya ng Agusan at Surigao del Sur sa unang kwarto ng 2024. Bunga ng marubdob na pagtanggap ng komite at mga kasapi ng Partido sa panawagan ng Komite Sentral na ilunsad ang kilusang pagwawasto sa mga gawain sa ideolohiya, […]

Paglilitaw sa 2 dinukot na aktibista sa Pangasinan, bunga ng mabilis at masigasig na paggigiit
April 07, 2024

Sa loob ng tatlong araw, natulak ng mga kaanak, kaibigan at mga kapwa aktibista ang mga pwersa ng estado at ang rehimeng Marcos na ilitaw sina Francisco “Eco” Dangla III at Joxelle “Jak” Tiong. Dinukot ang dalawa noong alas-8 ng gabi ng Marso 24 sa Barangay Polo, San Carlos City, Pangasinan. Inanunsyo ng mga grupo […]

Pambobomba, pagpatay at karahasan ng AFP sa nagdaang linggo
April 07, 2024

Naghatid ng takot sa mga residente ang isinagawang aerial bombing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga komunidad sa hangganan ng Sta. Maria, Ilocos Sur at Pilar, Abra noong Abril 2 ng tanghali. Hindi bababa sa 212 pamilya ang lumikas dahil sa mga pambobomba at panggigipit sa kanilang kabuhayan. Liban dito, daan-daang tropang […]