Archive of Ang Bayan

(Video) Ang Bayan February 21, 2026 Headlines
February 21, 2026

Download

Marcos noon, Marcos ngayon
February 21, 2026

Marapat na gunitain ng sambayanang Pilipino ang ika-40 anibersaryo ng Pag-aalsang Edsa, ang apat na araw na makasaysayang pagbabangon na nagsilbing huling bigwas ng 14-taon ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino na nagtapos sa korap at pasistang diktadura ni Ferdinand Marcos Sr. Para palawigin ang pagkakaluklok niya sa Malacañang, ipinataw ni Marcos Sr ang batas militar […]

Mga detalye ng kikbak ni Marcos, isiniwalat
February 21, 2026

Isiniwalat ni Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers Partylist ang ilang detalye ng korapsyon na kinasasangkutan ni Ferdinand Marcos Jr kaugnay sa maanomalyang mga proyekto sa flood control. Sa isang talumpati sa Kongreso noong Pebrero 10, sinabi niyang personal niyang nakita ang mga palitan ng mensahe sa pagitan ni Marcos at Adrian Bersamin, dating pinuno […]

Protesta't asembliya kontra korapsyon, tuluy-tuloy
February 21, 2026

Sa nagdaang mga linggo, naglunsad ng mga asembliya at protesta kontra korapsyon ang mga progresibong grupo bilang paghahanda sa malaking protesta sa Pebrero 25, ika-40 anibersaryo ng pag-aalsang EDSA. Panawagan sa mga aktibidad na ito ang pagpapanagot sa lahat ng sangkot mula sa tuktok. Noong Pebrero 14, pinangunahan ng Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) ang […]

Mga protesta
February 21, 2026

  Mindorenyo, kontra dredging. Nagprotesta ang mga residente ng Barangay Iriron, Calintaan, Occidental Mindoro noong Pebrero 6 upang ireklamo ang dredging na isinasagawa sa kanilang barangay nang walang pahintulot. Kinundena nila ang pangwawasak sa baybay ng kanilang barangay ng kumpanyang Ovada Philippines Inc. Mga maralita sa QC, nagprotesta kontra bantang demolisyon. Sama-samang nagprotesta ang mga […]

5 sundalo ng 11th IB, patay sa pagdepensa ng BHB
February 21, 2026

Limang sundalo ng 11th IB ang namatay noong Pebrero 15 sa serye ng aktibong pagdepensa ng BHB-Southeast Negros sa Barangay Santo Niño, Tanjay City, Negros Oriental. Sa ulat ng yunit, tatlong labanan ang naganap sa pagitan ng alas-5:30 hanggang alas-7 ng umaga. Ang yunit ng BHB ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga problema ng masang […]

Pagmimina ng Woggle Corporation, napatigil ng mamamayan
February 21, 2026

Bunga ng walang tigil na pakikipaglaban ng mamamayan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya laban sa panghihimasok ng Woggle Corporation sa kanilang komunidad, napilitan ang Mines and Geosciences Bureau na ipag-utos noong Pebrero 5 ang pansamantalang suspensyon ng permit sa eksplorasyon ng kumpanya. Sinabing dahilan nito ang “force majeure” o pangyayaring wala sa kontrol ng […]

Dinastiyang Romualdez, nasa likod ng pagmimina ng blacksand sa Leyte
February 21, 2026

Nagpahayag ng pagtutol ang mga residente ng MacArthur, Leyte laban sa pagmimina ng blacksand ng Mac-Arthur Ironsand Project Corporation (MIPC) sa kanilang bayan nitong Pebrero. Nasa likod ng operasyon ang dinastiyang Romualdez na may kontrol rin sa iba pang mapangwasak na pagmimina sa Eastern Visayas. Ang MIPC ay kontraktor ng Strong Built Mining Development Corporation […]

Protesta laban sa Rice Liberalization Law at pagtaas ng presyo ng langis
February 21, 2026

Nagprotesta ang mga grupong magsasaka at manggagawang-bukid sa harap ng Department of Agriculture sa Quezon City bilang paggunita sa ika-7 taong anibersaryo ng pagpasa ng batas para sa liberalisasyon ng importasyon ng bigas noong Pebrero 13. Mula 2019 hanggang 2026, lumaki ang importasyon ng bigas mula 2.57 milyong tonelada tungong mahigit 5 milyong tonelada. Nagresulta […]

Mga agresibong maniobrang nabal, tuluy-tuloy na isinasagawa ng US sa karagatan ng Pilipinas
February 21, 2026

Sa gitna ng pagbatikos sa China ng mga upisyal ng Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines (AFP), at mga maka-US na senador, sa pakitang-taong pagtaguyod ng soberanya ng Pilipinas, walang patid ang agresibo at interbensyunistang mga maniobrang militar at nabal ng US sa West Philippine Sea (WPS). Lalong pinalalaki ng mga maniobrang ito […]