Archive of Economy

Itigil ang biglaang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco—Makabayan
May 04, 2023

Binatikos ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagpapatupad ng Manila Electric Company’s (Meralco) ng dagdag na singil sa kuryente nitong linggo. Idinadahilan ng kumpanya ang pagsirit ng demand sa panahon ng matinding tag-init. Papatong pa ang taas-singil sa plano ng kumpanya na pagkulekta ng ₱7.9 bilyon na sinasabi nitong […]

Presyo ng asukal, tumaas sa gitna ng importasyon
May 03, 2023

Hindi bumaba kundi tumaas pa ang presyo ng asukal matapos dumagsa ang imported na asukal sa bansa. Sumirit ang presyo nito tungong ₱136 kada kilo sa ilang mga tindahan nitong nakaraang mga linggo, ayon sa ulat kamakailan ng Sugar Regulatory Administration (SRA). Sa tala ng SRA, ang presyong tingi ng repinadong asukal sa mga grocery […]

Pasaning buwis ng masang Pilipino, dadagdagan pa ni Marcos
April 28, 2023

Inianunsyo ng Department of Finance noong Abril 25 ang target nitong abuting ₱500 bilyong dagdag na rebenyu mula sa buwis simula 2025. Planong abutin ang target na ito sa pamamagitan ng pagpataw ng dagdag pang mga buwis sa masang Pilipino. Mula sa ₱3.73 trilyong ngayong taon, ang malilikom na buwis ay maaring umabot sa ₱6.62 […]

₱26.9 milyon, nilustay sa pagpapasabog ng 5 Javelin misayl sa Balikatan 2023
April 18, 2023

Naglustay ang Gubyerno ng Pilipinas at ang imperyalistang US ng hindi bababa sa $537,500 o ₱26.875 milyon (sa palitan na $1=₱50) sa pagpapasabog ng limang misayl na Javelin noong Abril 13 sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija bilang bahagi ng ehersisyong militar na Balikatan 2023. Ang Javelin Anti-Tank Weapon System o FGM-148 Javelin ay isang Antitank […]

Patas na subsidyo, pagbaba ng presyo ng langis, idiniin ng mga tsuper
March 26, 2023

Nananawagan ang grupong PISTON noong Marso 16 na tiyakin na patas ang pagbibigay ng ₱2-bilyong Service Contracting (Libreng Sakay). Ang pondo ay inilaan para ibaba ang pamasahe sa mga pampublikong dyip mula ₱12 tungong ₱9. Hindi masasaklaw ng pondo ang lahat ng ruta, ayon sa Piston. Siguradong piling mga ruta lamang ang mabibigyan ng subsidyo. […]

Pangakong trabaho at kaunlaran ng dayuhang pamumuhunan, malaking panloloko
March 26, 2023

Sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi nakalikha ng maraming trabaho ang dayuhang pamumuhunan. Hindi nito napaunlad ang lokal na ekonomya, at sa halip ay nagpatindi ito sa pagkaatrasado at di industriyalisadong kalagayan ng bansa. Hindi rin nito natugunan ang kahirapan sa bansa. Ang mga ito ang inilinaw ng Ibon Foundation para kontrahin ang panlolokong magdadala ng […]

Mga negosyante, kinontra ang Marcos cha-cha
March 25, 2023

Naglabas ng pinag-isahang pahayag noong Marso 24 ang anim na samahan ng lokal na mga negosyante laban sa charter change na itinutulak ng rehimeng Marcos Jr. Ayon sa kanila, mas mabuting gastusin ni Marcos ang pondong nakatakdang gastusin sa Constitutional convention o Con-con sa mga programang “maka-masa.” Kabilang sa mga pumirma sa pahayag ang Makati […]

Alyansa kontra pribatisasyon ng kuryente sa Bacolod, inilunsad
March 22, 2023

Nagtipun-tipon ang mga konsyumer at iba pang grupo sa Bacolod City noong Marso 17 para ilunsad ang isang alyansa na lalaban sa iminumungkahing pribatisasyon ng Central Negros Electric Cooperative, Inc. (CENECO). Itinatag ng mga grupo ang Negros Consumers’ Watch sa pagtitipon nila sa simbahan ng Iglesia Filipina Independiente sa Bacolod City. Ayon sa pahayag ng […]

Kawalang trabaho, tumindi noong Enero
March 16, 2023

Tulad ng inaasahan, dumami ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na walang trabaho noong Enero. Pinatingkad nito ang kahungkagan ng mga pahayag ng mga upisyal sa ekonomya ng rehimeng Marcos na “bumabawi na” ang ekonomya. Pinasisinungalingan din nito pahayag ni NEDA Sec. Artemio Balisacan na “masigla” ang istatus ng empleyo sa bansa at “tumataas” na […]

Palengke sa Baguio City, pinangangambahang sadyang sinunog
March 13, 2023

Pinaiimbestigahan ng grupong Kadamay ang naganap na sunog noong Marso 11 na tumupok sa isang bahagi ng Baguio City Public Market. Sinira nito ang 1,700 stall, kasama ang humigit kumulang ₱24 milyong produkto at ari-arian. “Nakababahala na tuwing may plano ang gubyerno para isapribado ang isang lugar at may pagtutol dito ang mga mamamayan, nasusundan […]