Archive of Economy

Pagkawasak ng Masbate kapalit ng sapilitang pagpapapirma sa people’s initiative
January 27, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Kabaha-bahala ang palihim na pagpapalaganap ng petisyong people’s initiative sa mga barangay sa Masbate. Namonitor ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan na nagsimula na ang pagpapapirma sa ilang mga bayan sa pamamagitan ng mga upisyal ng barangay sa hudyat ni Gov. Antonio T. Kho. Walang bahid ng anumang inisyatiba ang naturang people’s initiative. Ayon sa […]

Reporma sa pensyon ng mga sundalo at pulis, tuluyan nang binitawan ng rehimeng Marcos
January 25, 2024

Tuluyan nang binitawan ng rehimeng Marcos Jr ang tangkang pagreporma sa sistema ng mga pensyon ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang unipormadong tauhan ng estado. Sa huling mga pahayag ng kalihim ng Department of Defense na si Gilbert Teodoro at katatalagang kalihim ng Department of Finance na si Ralph […]

Rali kontra chacha, inilunsad ng mga grupong pambansa-demokratiko
January 23, 2024

Nagprotesta ang mga grupong pambansa-demokratiko sa House of Representatives sa Quezon City noong Enero 22 para batikusin ang isinusulong ng rehimeng Marcos na charter change o “chacha.” Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), inilunsad ang protesta kasabay ng unang araw ng sesyon ng Kongreso. Sa pangalawang pagkakataon, tinatangka ng pangkating Marcos ang pagratsada ng […]

Pagbaba ng tantos ng implasyon, walang epekto sa mahihirap
January 12, 2024

Walang epekto sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino ang sinasabing pagbaba ng tantos ng implasyon o pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba mula 4.1% noong Nobyembre tungong 3.9% ang tantos ng implasyon noong Disyembre. Gayunpaman, tumaas ang implasyon para sa 30% pinakamahihirap na pamilya, mula 4.9% noong Nobyembre […]

Bigas, pinakabilis tumaas ang presyo noong Disyembre
January 06, 2024

Sa gitna ng ipinagmamalaki ng rehimeng Marcos na “bumagal” ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2023, lalupang sumirit ang presyo ng bigas. Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas tungong 19.6% ang tantos ng implasyon ng bigas (rice inflation) sa katapusan ng 2023, pinakamataas mula 2009. Mas mataas ito nang 3.7% kumpara sa […]

Hindi lumiliit, bagkus ay lumaki, ang bilang ng naghihirap sa Pilipinas
January 03, 2024

Taliwas sa ipinagmayabang ng rehimeng Marcos kamakailan na lumiit ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap noong unang hati ng 2023, dumami sa aktwal ang mga pamilyang nabubuhay sa ilalim ng pamantayan ng kahirapan. “Nagmumukha lamang na mas mababa ang tantos ng kahirapan dahil ikinumpara ito sa tantos noong nakapailalim ang Pilipinas sa lockdown,” pahayag ng […]

200 pamilya, pinalalayas ng Authority of the Freeport Area of Bataan
January 02, 2024

Hanggang Enero 6 na lamang ang taning ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa may 200 pamilyang residente ng Narra Dormitory sa Barangay Maligaya, Mariveles, Bataan para umalis. Pinalalayas ang mga residente dahil sasaklawin ng pagpapalawak ng FAB ang naturang lugar. Ayon sa pahayag ng Nagkakaisang Manggagawa ng FAB (NMFAB), sinugod ng […]

Pag-ipit ng rehimeng US-Marcos sa kapital ng China, inalmahan ng lokal na burgesya-kumprador
December 28, 2023

Umalma si Teresita Sy-Coson, vice-chairperson ng SM Investment Corporation at isa sa pinakamalalaking burgesyang kumprador sa Pilipinas, sa aniya’y “antagonistikong pakikitungo” ng Pilipinas sa China. Tinutukoy niya ang sunud-sunod na pagpuna ng gubyernong Marcos sa mga naging kumprontasyon ng mga barkong militar at coast guard ng China nitong mga nakaraang buwan. Naging masinsin ang mga […]

Taas-singil sa tubig, bunga ng kainutilan ng gubyerno
December 15, 2023

Dismayado ang mga maralita sa anunsyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na inaprubahan nito ang pagtataas sa singil ng mga pribadong kumpanya sa tubig na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc sa darating na Enero 2024. Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang pagtaas ng presyo ng mga batayang […]

Baboy at kalabaw ng programang BDP, kinurakot ng militar at NTF-Elcac
November 27, 2023

Walang dumating na baboy at kalabaw na ipinangako ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng National Task Force-Elcac sa mga magsasaka at katutubong minorya sa mga barangay ng Abra. Ayon sa mga residente, ni biik wala silang natanggap. Ang mga pangakong ito ay bahagi ng “suportang agrikultural” na may pondo mula sa Support […]